65 Các câu trả lời
base sa experience ko hindi naman nalaki tiyan ko at mahilig pa ako sa matatamis parang 6 months lang tiyan ko and nasa 9 months ako. lagi akong sinasabihan na wag iinom ng cold water eh mainit pakiramdam ko eh tsaka lalo na kapag aakyat ako sa bahay namin which is nasa 5th flr talagang hahanap at hahanap ka ng malamig na tubig. sa matamis naman minsan talaga kailangan ko ng matamis if not ang bigat ng pakiramdam ko ang matamis lang nagpapagaan. wala akong sugar problem.
Yes, true for me kase naexperience ko po yan sa pangalawa kung baby mahilig ako sa cold water hinde kase din ako naniniwala dati 😅 , kaya ayun nahirapan ko ilabas si baby ko wala naman siguro mawawala kung susundin kase water same lang din yan habang preggy ka po warm water at hanggang sa totally recover kana sa panganganak pwedi kana mag-cold water. 😌😉
true poh sya kasi daw kagaya ng panahon malamig tapos tayo na preggy nalalamigan tayo syempre lalo nat sometimes expose ung tiyan natin magkakaroon tayo ng tinatawag nilang 'panuhot' poh sa bisaya..😊kaya ung iba kahit 4-6 months pa tyan nila eh para na silang manganganak sa laki..
tinanong ko na po sa ob ko yan, wla nmn daw pong problema sa pag inom ng malamig na tubig,, as long na water iniinom mo,, binawal lng sakin ung msydo sa mtatamis kc iniiwasan po sa buntis ang magkaroon ng diabetes🙂
not true po . na nakakalaki ng bata ang cold water BUT nagiging isa savdahilan daw po un , para mahirapan ka manganak , kasi mapupuno dw po ng lamig ng tiyan kaya karamihan hirap na hirap manganak. Sabi nila😅
Not true po. Eversince I got pregnant, laging malamig na tubig iniinom ko lalo natapat ng summer. Nag ice candy at halo halo pa ako minsan. Then si baby di naman lumaki, maliit nga daw sya sa months ko.
Hindi totoo Yan buong pag bubuntis ko sa second baby ko mahilig ako sa malamig in labor na nga lang ako nag ice cream pako pero 2.7 lang baby ko Sabi nila mga matatamis daw Ang nakakalaki Ng baby
di naman daw po. ako po umiinom ng cold nung buntis ako kapag di ko nararamdaman na gumalaw si baby. pag umiinom dae kasi ng malamig nararamdaman ni baby tapos gagalaw sya
No, Kasi malakas ako uminom ng cold water. Nung Makita Ang baby ko Kung Dina diet ko daw.. Ang sagot ko no. Sadya Lang talaga maliit Ang Bata.. Mana sa papa nya hahaha
Hindi naman sa paglaki ng baby, para may kasabihan ata cold water nakakatigas agad ng ulo kaya para mahihirapan ilabas something like that lang yung naririnig ko hehe
Anonymous