20 Các câu trả lời

hindi ako naniniwala pero di masamang gawin nalang ung tips ... recently ung katulong namin naririnig ung tiktik sa bubungan nmin gabi gabi daw andon... tapos isang madaling araw naliligo ung sis in law ko narinig nya sa bintana ung tiktik di rin sya naniniwala but it happened. 3am daw un. eh need nya bumyahe 4am kasi work nya 6am at malayo samin sa rizal kami kasi tas work nya sa okada. so nilagyan nila ng asin at kalamansi na patihaya sa windows ko at pinagsuot nila ko ng itim ng damit gabigabi. tas pinapatungan ko pa ng isang damit. wala lang di ko din narinig pero tulad sabi ko wala naman masamabif gagawin mo ung measures ... :)

It depends sa lugar. Samin kasi may nagpaparamdam sa bubongan namin dati nung buntis ung mga tita ko. Idk kung tiktik un haha kasi ndi naman nang aano, inaamoy lang cguro ung babies kaso pag ganon masstress both baby at mommy kasi nakakapuyat halos every night kung dumalaw, may oras pa nga dalaw nila mga bandang 12:30. Alam din ni baby pag may dumadalaw na ganon kasi mas maglilikot sya sa tyan mo, tapos iba din feeling mo parang init na init ka na gusto mo maligo kahit ndi nman tlga ganon kainit ung weather. Pray ka lang para maging safe lagi kayo ni baby 😊

Nag board kami ng asawa ko, sa may bintana ako mismo nakapwesto tapos may mababang buong para dun sa 2nd floor 3rd floor kasi kami nagegets nyo ba? Tapos pag madaling araw parang may kumakaluskos sa bubong na parang tao hindi sya hayop kasi ramdam ko yung bigat nya, then sabi sakin ng nasa kabilang kwarto meron daw bang umaaswang sakin kasi sakanya may pusang itim daw na pumasok sa bintana nya, bali 3 kaming buntis dun sa boarding house na yun. kaya umalis kami. maglagay ka lang ng itim na damit o tela sa part ng tyan mo pwra hindi nila maamoy or makita

VIP Member

Nakaranas mama ko with tiktik during her pregnancy ata with my kuya ( not sure kase kung sa kuya ko o sa akin ) nakita din ng pinsan ko yun that time kase mama ko nag aalaga sa kanya. But luckily, sa pregnancy ko ngayon wala naman ako na experience na kahit ano, minsan lang may ingay sa bubong namin. Siguro nakahelp din yung mga paglalagay ni LIP ng asin tsaka bawang sa paligid ng bahay. Sabi nga wala naman masama kung maniniwala tayo, prevention is better than cure 😉

Ginawa lang ni LIP sa pagitan ng bubong tsaka pader naglagay mg bawang tsaka asin. Then yung pangontra ko na red na tela na may bawang sa loob tsaka tanso sinabit niya din malapit sa bubong, meron din ako ganun na sinabit sa kulambo tapos yung malapit na drawer sakin ( which is drawer ni baby ) nagpatong ako ng bowl na may asin tapos may bawang sa ibabaw. So far okay naman. Pag gabi na wala si LIP nasa work, pag nagigising ako ng mga 12midnight-3am binubuksan ko nalang yung ilaw.

im in the middle of totoo and hindi,kasi hindi pa naman nang yari sakin kaya wala akong idea kung totoo ba talaga,but may mga kamag anak ako na naka ranas na maka encounter ng ganong creature pero hindi naman masamang maniwala sa mga ganyan for our own safety wala naman mawawala diba...always pray lang din sis ☺☺

Yes totoo po un. Kasi naranasan nmen un ng asawa ng pinsan ko ksi sabay kme mag buntis non, Halos rinig nmen ung pagaspas at kaluskos sa bubong! Lagi kmeng may walis tingting sa ulohan ko tsaka kutsilyo, Hinahampas namen ung bubong lagi pag nraramdaman na nmen sya

VIP Member

Not true. Even my mom hindi naniniwala about staying at home everytime may solar eclipse kasi delikado daw sa mga buntis. But there hasn't been any scientific explaination to support this. Just myth..

Yes po,lagay k po bawang at asin sa bintana.nung preggy ako 5 kmi mgkakasabay sa mgkapitbahayan na buntis kya lagi nakikita sa gabi ng mga kapitbahay na palipadlipad.kahit c hubby nakita nya din.

hnd po totoo yun pray lng po lagi bgo matulog ako wala ako kasama sa bahay kasi wla ung asawa ko at 3months pregnant ako ...mas maganda mag dasal tyo gabi gabi buntis man o hnd 😊😊

Sa pagkakaalam kopo sabi ng lola ko, ang tiktik daw po ay kind of bird lang. Medium size.. Parang uwak. Mabango daw po sa tiktik ang buntis. Pero d daw nang aano..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan