52 Các câu trả lời
Hindi ko maintindihan kong bakit may mga taong gustong mga asawa nila ang maglihi. Parang ang selfish nun para saken. I mean papasok pa sa trabaho yang mga asawa nyo tapos gusto nyo nahihilo or nagsusuka. Alam naman naten kung ganu kahirap maglihi. Tayong mga babae dapat tanggapin naten na dala ng pagbubuntis naten ang hirap. Kesa naman dalawa kayong mahirap di pa makapasok sa trabaho mga asawa naten. Para kasing ang dating saken gusto naten mahirapan din sila sa pagbubuntis naten but at the same time gampanan nila ang tungkulin nilang magtrabaho. Mahirap maglihi pero kung ako lang ako nalang mahirapan total naman, sa ating mga babae naman talaga yan e. Kumbaga ang paglilihi si babae talaga ang nakakaramdam nyan at least isa lang samen ang mahirapan kesa idamay ko pa sya. Ang dami ko ng sinabi pero bottom line is para saken dapat hindi naten gustuhin na mahirapan sila.
Totoo yun sa mga naniniwala. Kse ganyan ako ky hubby eh ayun tamarin sya taz gusto nya papaya. As in dko na feel na buntis ako nun kase sya naglilihi yun nga lng panay absent sa work kaya hinakbangan ko na naman ulit nung tulog sya para mabalik saken ung pag lilihi kse wala syang sinasahud eh hahaha. Alam mo mumsh yung ibang kasabihan totoo po sya kung maniniwala ka.
ako accidentally nahakbangan ko si hubby. nagpupush up kasi siya nun eh naiihi na ako nun nakaharang siya sa daan so dumaan ako mismo sakanya. pagbalik niya sa campo( nasa military kasi si hubby nagwowork) , panay ang suka at crave niya daw ng foods. naawa ako kasi on operation sila pero nagsusuka siya. so not a good thing. kawawa mga hubby natin.
merong ganon..kc asawa ko hnd ko dn sinasadya na nhakbangan ko..tpos pg uwi nya sbi nya hnd dw cya nkakain ng ulam nla sa work kc habang nagpiprito ang baho dw ng amoy nya sa isa..kya itlog nlng dw inulam nya..pero sabi ko isang paa lng nmn na hakbangan ko sa knya eh..
Totoo saamin nang Partner ko. 😊 tska sa iba ko pang pinsan at tita. Gusto kse ng partner ko na sya mag lihi para saken khit sya nahihirapan para dw d ako mahirapan. Pero dapt di mo ipapaalam
Para sa akin true xa sis kc sa 1st baby ko un talaga nangyayari, c hubby ung naglilihi habang ako chill lang..walang morning sickness, walang pili sa food, sa mga amoy2x wala din..
parang hindi naman totoo, lagi ko nahahakbangan asawa ko nung naglilihi pako eh wala naman nangyayari lalo lang nasama ang pakiramdam ko hahahaha
Parang hindi naman po ata, kasi nu g ako sa gitna ako natutulog sonpag gigising ako para mag cr, hahakbangan ko nalang siya wala naman nagbago .
Di ko masabing totoo o myth pero si hubby naglihi din ng chaofan sa chowking 😂😂 biruin mo slas onse ng gabi naghanap pa kmi ng bukas na chowking
Hahahaha
Hindi po totoo haka haka lng hahaha kasi ako paulit ulit ko hinahakbangan wala nman hnd nman nalilipat sknya haha
Miriam Lare Alcorin