nakaramdam
Totoo po ba na kapag nkrmdam ang buntis ng lindol ay maligo po agad..
hehhe actually ginawa ko po un ng naglindol don sa pampanga,tyming din kasi na andon ung Project namin. Eh sabi nila maligo.. so naligo ako.. d ko naman alam kung totoo,sabi ni hubby sundin nlng daw wala namn mawawala kung sundin😊pero gang ngaun malaking question mark parin yan sa Isipan ko😁
Hindi ko alam na may ganyang kasabihan. Nung lumindol dati, nasa supermarket ako nun. Then hinintay ko lang tumigil. Wala rin naman akong ginawa kundi makipagtawanan sa mga co officemate ko dahil sa eksena nila nung bumalik ako sa office.
di aq naligo nun mommy hehehe bsta ung nalindulan na tubig sa mesa na malinis nmn kc nsa baso ko ayun ang ininom ko. di nmn aq nahilo kc sbi nila mhihilo dw ang buntis at mabubugok ang bata hehe pro dun sa hilo lng aq naniwala.
Sabi sabi nila pero nung lumindol naligo ako kasi kapag nakahiga ako parang lumilindol yung pakiramdam ko. Tas nung naligo ako ayun nawala yung ganung pakiramdam ko. Wala naman pong mawawala kung susundin.
Kasabihan lang po yun..Pero wala naman po masama kung maniniwala kc nung buntis po aq nagbuhos po aq ng tubig as in naligo po aq para daw po ndi mabugok ang baby sa tummy..
Superstitious lang po. Eh nung nagbuntis ako, 3rd month ko palang lumindol na. Mga 2nd tri to 3rd tri, merong dalawang beses sa isang linggo lumindol at madaling araw pa.
Pinagawa sakin yan ng mama ko magbuhos daw agad ng tubig, eh kakatapos ko lang maligo nun tapos biglang lumindol, ayun ligo ulit😂 wala naman masama kung susunod ka.
Dahil nasa probinsya ako, one time lumindol, pinabuhos agad ako ng tubig na tatlong beses. Sumunod na lang ako atleast presko ulit pakiramdam ko. Hehe
Inom lang ng maraming tubig, pwedi rin maligo wla nman nwawala kung ssunod ka sa kasabhan ng matatanda.. Ganyan ginawa ko last april.. ☺
Hahaha bakit dw? Kasabihan lang nmn ng matatanda yan. Anong kaibahan ng lumindol at ng do with husband? 😂