16 Các câu trả lời
taga dito ako sa Q.C batasan nakaranas ako dalawang beses may parang tumalon sa mukha ko around 2am pero wala nmn,second time may kumalabit sa dibdib ko na sobrang bigat ng kamay tatlong beses kumalabit tas nagising agad ako tulog nmn mga tao ginising ko na din partner at papa ko wala nmn tas tinanong ko sila kung sila ba ung kumalabit di nmn daw tyaka nagising agad ako nun mga tulog tlg mga tao,kinaumagahan sabi ni papa may naririnig syang tiktik 3am daw eh mga 12 mag 1am un ung nangyare,tapos sinabi ko sa lola ko meron parin daw tiktik kaya sinabi nya maglagay ako bawang na may asin sa tela tas tuwing gabi lagi ko nilalagay sa gilig ng damit ko tapos un wala nako nararamdaman tuwing madaling araw :))
Totoo po ang tiktik, taga probinsya din po ako. Buntis din ako ngayon at madalas ako bisitahin, although hindi sya nahuni ng tiktik, pero sa bubong namin laging may nakaluskos na parang kinakalmot nya yung yero at tumatakbo na parang pusa pero wala naman meow, hehe. may time rin na parang may lumalakad na tao sa bubong namin kasi rinig yung pag apak sa yero. townhouse nga po pala tong bahay namin at sa second floor, wala din kami puno na katabi para pag akyatan ng pusa dahil wala tatalunan ang pusa paakyat sa bubong.
Ibon na tunog “kikikik” lang narinig ko mula tumungtung ako ng 8months momsh. Nakakapraning kasi d talaga ako naniniwala. Isang taon na kami tumitira sa bahay namin ng asawa ko pero ngayon lang ako nakarinig ng ganong klaseng ibon. Jusko. Di pa rin ako makapaniwala. Sabi ng kapitbahay pag may buntis lang daw lumalapit mga gnyang ibon. 1am-3am di ako makatulog kasi dinig na dinig ko pa. Parang nasa labas lang talaga ng bahay. Ganun kalapit ung tunog
Pray lang po.. awa ng Diyos wala naman nadalaw saken.. pangpatulog ko o nga po ngayon ung mga horror stories about aswang sa youtube.. siguro depende dn sa lugar.. dto kasi samen squatter hehe.. halos magkakadikit ang bahay.. mas halang bituka ng mga nakatira.. 🤣 kidding aside.. wala naman masama gumamit ng mga pangontra like asin.. tingting. bawang.. keep safe po.. Pinakamalakas ang guardian natin.. si God ❤️
Hindi ko din sure kung totoo, ako kasi taga bukid ako as in gitna ng bukid talaga at madalang ang mga kapitbahay, mag isa lang din ako sa kwarto pag matutulog dahil wala si partner, wala naman ako nararamdamam, puro alaga lang namin na kalapati ang naririnig ko. Lagay kana lang mamsh ng bawang sa mga bintana or feel mo kung saan pwede sya tumingin or makita ka, more on black pag matutulog.
Ako naman Po naransan ko yan nung unang week na halus araw2x ang ingay nang bubung namin na may naglalakad tas nung Huminge po ako nang panguntra sa manggagamut Ok n po nkakatUlug na ko Nang mahimBing ..wla den po akung ksma kunde ang baby kolang na 5yrs old kase husband ko nasa maynila tas ako sa proBinsya nang quezon ..Kaya lakasan lang po tlaga nang Luob
sbi ng matatanda dapt may kulambo ka kapag buntis ka dun ka sa loob tas palibutan daw ng bawang ang mga bintana mag lagay dn daw sa bulsa tapos yung walis tingting or tambo ilagay mo sa may pinto pabaliktad yung pang walis ang nakatutok sa taas... wala dn naman masama kung susundin 😅
mgpray k bago matulog momsh n unf covering ng PANGINOONG HESUS ang mgiingat senyo n baby. mgpray k n ung HOLY GHOST AND FIRE n JESUS ang mgng cover niu at s 4 na sulok ng bhy niu. totoo yn cla. pro ang pinakamakapngyarihan s lht ay ang ating PANGINOONG HESUS.
Hindi po ako naniniwala sa ganyan. Pero for your peace of mind na rin po, pwede po kayong magtanong sa mga kapitbahay nyo kung anong gagawin since sila naman po ang nakakakita o nakakarinig.
nung buntis ako lagi naman ako mag isa kahit gabi pa nga eh tapos sa open space kami nakatira wala pa pinto..wala naman tiktik, bakit sa Pilipinas lang ata may tiktik sa ibang bansa wala naman 😅
Anonymous