30 Các câu trả lời
Ahm hindi siya nakakalaki ng chan but kapag hnd nabibigkisan si baby nagiging butusin daw... Sa hospital kasi hnd na uso ang bigkis since sa first born ko pa 2009 but after makauwi ng baby ko from NICU INQUVATOR nilagyan kona siya ng bigkis sa bahay... nasa ating mga momsh nmn yon if like natin lagyan ng bigkis mga baby natin and wala namang mawawala sa diba if susunod tayo sa kinagawian natin mula sa ating magulang pero para sakin maganda ang baby na nilalagyan ng bigkis kasi hindi siya kabagin and hnd butusin ang chan like ng 2 kung boys malalaki na sila now 12 and 9
No. Natural lang po na medyo malaki tingnan ang tyan ng newborn kasi hindi pa fully developed ang ambominal muscles nila. Kailangan po nakakahinga sila nang maayos, and kapag mali ang pagkakabigkis, it can serve as an obstruction. May nabasa na kong case na ganun dati, suka raw nang suka yung bata, yun pala sobrang higpit ng bigkis. Wala naman po syang proven na benefit pero potentially harmful so hindi na nirerecommend.
Not true po. Hindi po nagbigkis yung baby ko since sinusunod ko yung advice ng pedia kahit lagi ako sinasabihan ng mga matatanda. Di maman po malaki tiyan ng baby ko, maganda naman po lubog ng pusod siya at hindi naman po siya kabagin. So far po di naman totoo ang mga pamahiin ng mga matatanda.
Hindi po..as my experience po for my two son its help po sa belly button para hindi po nakaprotrude..just enough lng po sa tyan para hindi mahulog yung bigkis
Not true po! Yung mga doctor po na nagpa-anak saakin, hindi binigkisan ang baby ko pag-labas. Not advisable na daw po kasi yun.
hindi po. baby ko di binigkisan ng OB na nag opera sakin nung na-CS ako. Di niya ni-require kasi dina daw advisable!
no po, baby ko nakabigkis hanggang 5 months nya. kabagin po kasi. saka payo din ng nanay ko.
not sure tho pero i think di na adviseable gumamit ng bigkis ngayon
no. hehe d kmi nag bigkis kay baby. hindi nmn malaki tiyan
No si baby Hindi nagbigkis Hindi naman malaki ang tyan