Totoo ba? Pumapangit daw pag lalaki ang pinag bubuntis?

Totoo ba pag lalaki pinag bubuntis mo papangit ka daw? Hahaha Ayun kasi sabi sabi nila. Sa mga may anak na lalaki. Totoo ba yun? 😅😅 For me parang di naman. Dipende siguro sa skin care routine. 😅

41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

depende po yung sa nag buntis kung ganun nangyayare . kasi may iba iba yung pag bubuntis kapag lalaki ang baby e. yung iba sabi nila kapag lalaki daw blooming ka pero kapag daw babae e haggard ka. yun sabi ng iba

wala naman ganun , pumapakit Pag nabubuntis hindi Yun ang ano lang is Pag babago like tamad maligo,magsuklay or tamad ka ayusin sarili mo ayun lang Pero di ka papangit hahahaha nakakasawa naman Yun ano Yun sumpa

Thành viên VIP

that's not true po. every pregnancy is different. depende din sa hormones po ninyo. nagkakaron po tayo ng hormonal imbalance kapag pregnant or during period na nag ko-cause sa iba ng break outs, pangingitim etc..

4t trước

2 boys po ang baby ko, sa 1st pregnancy ko lumaki ilong ko, i had break outs and dark underarm. pero nung 2nd pregnancy ko, super fresh ako that people thought na girl na ang 2nd baby ko. every pregnancy po talaga is different.

Iba-iba naman po effect ng pregnancy saten. im currently pregnant with a baby boy po pero laging sinasabe blooming and hindi daw nagiba yung mukha ko- na baka daw girl talaga baby ko... 36 weeks preggy :)

3t trước

kaya nga po mih. miski ako kinakabahan baka girl talaga to 🤣🤣 pero nakailang ultrasound naman na po at puro boy sinsabe

Tatlong lalaki anak ko pero lahat blooming daw ako at walang nagbago sa mukha ko. Palaayos din ako tsaka maarte sa katawan. Sa mga gender reveal nila walang tumamang lalaki silang lahat puro babae hula.

dipende po sguro, ngayun buntis ako. marami nagsasabi lalaki na daw anak ko kasi lumaki ilong ko. at talagang umitim mga kili kili 😆 ang haggard kopa. pero sa ultrasound probably girl ulit 😅

For me hindi po, boy po anak ko and nung buntis ako sa kanya sabi ng co workers ko mas maganda daw ako nun haha 😆 hindi rin umitim ang leeg at kili kili ko kaya akala nila girl ang baby ko 😄

For me hindi po totoo. First baby ko po boy and ang blooming ko daw tas di rin nangitim kilikili or batok ko. Kaya Sabi sabi ng mga matatanda babae daw baby ko pero ayon di sya totoo for me.

Tatlo ang naging anak kong lalaki, pero lahat nung pinagbuntis ko maganda at glowing daw ako. Kaya nga dami humuhula na baby girl. Tingin ko hiyangan sa vitamins at sa lahi na din siguro.

Hindi naman totoo yan..sa totoo lang ni Hindi nagbago muka ko..Akala nga nila babae pa itong pinagbubuntis ko.. tyaka di Ako maselan ngayon..kumpara sa 1st baby ko..baby girl.