Totoo ba? Pumapangit daw pag lalaki ang pinag bubuntis?
Totoo ba pag lalaki pinag bubuntis mo papangit ka daw? Hahaha Ayun kasi sabi sabi nila. Sa mga may anak na lalaki. Totoo ba yun? 😅😅 For me parang di naman. Dipende siguro sa skin care routine. 😅
depende momsh meron blooming hahaha.. pero ako eto haggard tamad mag ayos.. lahat nag iitiman 😂😂 tiis lang ako hanggang sa pwede na ako magpaganda ulit.. 😂😂
Hindi po totoo. I have a boy and a girl, pareho lang hitsura and symptoms ko for both pregnancies. Ultrasound lang talaga malalaman ano ang gender ni baby.
Hindi po totoo yan 😅 ako nga girl baby ko, pero nung pinagbubuntis ko sya kala Ng mga kawork ko boy Ang baby ko kasi pumangit dw ako😅☺️
hahah.. yan din po sabi ng mga kasamahn ko sa work kaya akala nila girl baby ko kasi ang blooming ko , pero BOY pala😊😁
No mii. Depende po ng reaksyon ng katawan mo sa level of hormones. I have a girl and a boy pero the same lng naman yung reaction ng katawan ko.
sakin nag karoon lang ng maitim na guhit sa tyan ko at sa babae ko wala namang guhit na ganun at di naman lumaki ilong ko pero nawala din agad
Not true. Pangit lang tlga ko mag buntis mamsh , pero girl baby ko. Nung lumabas super ganda nmn ng baby ko kaya okay lang haha
depende po sa pagbubuntis ako nun babae naman anak ko pero tumaba ako tas nangigitim kilikili ko pati leeg haha ewan ko ba
Hindi yan totoo dahil mas blooming ako all throughout sa pagbubuntis ko at no skin care routine. Baby boy ako anakis.
ako nga sinabihang pangit, lalake daw siguro anak ko. haha Ang ending baby girl naman talaga Ang dinadala ko nun.