Pamahiin

Totoo ba na bawal agad bumili o magipon ng mga gamit ng baby? Dapat daw 8 or 9 months? Masama daw kasi. 5 months preggy na ko at girl ang baby ko balak ko sana unti untiin ko na ang mga gamit nya para hindi mabigat. Kasu nga sabi nila bawal daw. Totoo ba? Excited na ko bumili?

70 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Di masama. Mas makakatipid nga. Kasi di ka mabibigla sa biglaang gastos. Balak ko din bumili sana nung 5months palang ako pero di pa nagpakita si baby ng gender niya. Nitong 6months nalang.

Myth lang po yon mamsh, dont tell me may ireregalo from a friend di natin tatanggapin kasi wala pa tayong 8-9mos diba 🙂 hehehe ako before hanggat may magbibigay i thank you! Haha

Thành viên VIP

Unti unti po pagbili para di masakit sa bulsa. Ang masama po yung mapaanak kayo tapos wala pang gamit kahit isa. Di naman natin masasabi na sakto lagi sa due date nanganganak.

Di naman po.. ako kahit di pa ganun kasure gender ni baby ung ibang gamit ng pamangkin ko hiningi ko na at ung iba inuunti unti ko na bilhin nung 24wks palang tiyan ko..

Sinabi din sakin yan e masama daw pero di naman totoo siguro. Ung nagsabi sakin bawal bumili, sya din unang nagbigay ng gamit ni baby twalya bottles kumot hahaha

Yan nga po ang pamahiin. Pero kami ng mister ko kapag alam na namin gender ni baby, maguunti-unti na kami ng bili ng gamit ni baby para hindi masakit sa bulsa.

Thành viên VIP

Not true mommy, bili ka na ng gamit kung may pambili na kasi mahirap pag late na mamili sabay sabay na expenses nun kasi malapit ka na manganganak non.

2months palang ang baby ko s tummy bumili ng ako ng white clothes nya. ☺ Magdivisoria kasi kami, may nakita akong baby clothes, bumili na ako. 😍

Post reply image

Hindi po, mas ok nga po mag start na kayo mamili paunti unti para ndn di mabigla sa gastos at paglalaanan din ung 7mos na BAKA bigla manganak.

Kung bibili ka sa ika walo at ika siyam ba buwan, anong mabibitbit mo sa hospital un case of emergency diba? Di yun totoo. Pamahiin lang.