Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?

🗨Topic: 😫😡Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak 🥲👶🏻❓ 🗓 Date: Wednesday, April 24, 2024 ⏰️ Time: 1.00pm - 3.00pm 🤱🏻🥲 💬Hi, I'm Kate Delos Reyes, Founder of Beacon and a Mental Health Advocate. Join me at the Ask The Expert session on dealing with BIG emotions in parenthood! 🥲😡🤱🏻Kasama ang theAsianparent team, tutulungan ko kayo na mas maintindihan ang ating emotional and mental health as parents. Pag-uusapan natin ang mga sumusunod: Bakit ang bilis kong magalit o umiyak nung naging Nanay/Tatay na ako? Bakit mas madalas na kaming mag-away mag-asawa nung nagka-anak na kami? Why do I experience BIG emotions as a parent? How do I properly deal with these emotions so they don't affect my child’s development? How do I know if I have Postpartum Depression or Anxiety? And more... See you!

Ask the Expert: Managing BIG Emotions in Parenthood: Bakit ang bilis kong magalit at umiyak?
45 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

experience ko to ngayon . lagi ko napapagalitan ang panganay ko kahit sa napaka liit na dahilan na guguilty den ako iiyak ako tapos maya maya ganon nanaman ako magagalit nanaman ako sa kanya 6 years old na sya tapos 2nd baby ko 2 years old tapos buntis po ako ngayon 37 weeks and 4 days . grabe lagi akong naka sigaw kahit sa asawa ko konting kibot nagagalit ako . minsan napapalo ko panganay ko minsan napipigilan ko sarili ko minsan ndi .. iiyak na lang ako pag mina masdan ko panganay ko😭.. feeling ko napaka walang kwenta kong nanay😭😭..

Đọc thêm
1y trước

Parte ng pagiging nanay ang pagkakaroon ng mga matitinding emosyon tulad ng sobrang galit tapos masusundan ng guilt. Normal yan. Pag may ginawa kang masama tapos hindi ka na-guilty, yun ang hindi normal. Pero isipin mo rin kung bakit ka nga ba nagagalit? Meron ka bang mga gustong sabihin o gawin na hindi mo magawa? At dahil kabuwanan mo na, baka mas stressed ka natin. Take mo rin yung PPD test para malaman mo kung may depression ka. www.beacon.ph/ppdtest