Ayaw uminom ng tubig.

Any tips po para mapainom si lo ng tubig na sapat sa kanya? Yung wilkins na binili ko kulang nalang magkaka-cobwebs kasi sobrang konti lang uminom ng tubig ang lo ko, minsan naman ay ayaw niya talaga. Tinry ko din yung usual na iniinom namin na mineral water sa gallon, ayaw talaga hahaha. Nag try akong mag offer sa dropper, bottle, baso, pati na rin sa kutsara niya after kumain, pero ayaw pa rin, umiiyak kapag pinipilit hahahah. Sobrang konti lang ng iniinom niya. Na woworry ako, kasi neto lang 2 days na siya hindi na popoop, or baka mahihirapan siyang tumae. pureé pa food niya sa ngayon kasi takot akong mag try ng finger foods lalo na't konti lang talaga iniinom niya na tubig. 7months na po lo ko. may ngipin, apat, visible na, pero hindi pa tumubo totally. pure breastfed din po siya. FTM po ako, kaya maging mabuti po sana kayo sa i-cocomment. Salamat po :>

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Be patient and keep offering lang po, kahit paisa-isang sip lang, ok lang po hanggang sa masanay. As long as unlilatch pa rin sya sa pagbreastfeed, then makakakuha pa rin naman sya ng enough liquid intake nya. Before 1yo, breastmilk pa rin naman talaga dapat ang main source of nutrition nya. At this time, "practice" pa lang ang pagkain nya ng solids/ water para by the time na mag-1yo sya ay solids na ang main source of nutrition nya, with extended breastfeeding na lang ☺️

Đọc thêm
5mo trước

Noted po. Maraming salamat po😊

mhie ganyan noon yung lo ko, sobrang hina uminom ng tubig, minsan di pa nga. may nabasa po ako na pag baby pa lang naman daw po introduction palang ng tubig sakanila so di mo talaga mapipilit na mapainom sila ng tubig. if nadede naman po si baby, bali yun na po yung pinakatubig nya. pero ioffer nio pa rin po ang water kahit konti para masanay din sya. si lo ko po nung nag 11 months dun palang lumakas ng inom ng tubig, tapos ngayon 13 months na sya lakas na uminom ng water.

Đọc thêm
5mo trước

Thank you so much po, di na ako mababahala🫶🏻