Hi Mommy ! Read my 6 Tips 😊
1. Siguraduhing malinis at tahimik ang kwarto kung saan mananatili ang bata.
2. Siguraduhing malinis ang kamay ng kung sinumang hahawak o kakarga sa sanggol.
3. Mainam na limitahan muna ang mga bisitang lalapit sa bata para hindi ito masyadong ma-expose sa iba't - ibang viruses at bacteria.
4. Panatilihing hindi masyadong malamig o mainit ang kwarto ng preterm baby. Tandaan na ang balat nila ay mas manipis at mas sensitive.
5. Kausapin o kantahan ang baby. Ayon sa pag-aaral, nakakatulong ang boses ng nanay sa pagpapakalma sa premature baby.
6. Ipagpatuloy ang skin-to-skin contact o kangaroo care at breastfeeding.