Paano lumapit loob ni baby sakin mga miii

Tips naman mga mii para ako yung mas piliin ni baby kesa kay MIL. 1week old na si baby ko. Nung umiiyak hindi ko mapatahan. Di ko alam kung bakit. Check ng diaper ok naman. Ayaw rin naman dumede. Mix feeding po ako. Nung kinuha siya ni MIL huminto ng iyak. Ang sakit para sakin yun mga mii. Paanong di niya pipiliin si MIL eh laging kinukuha si baby ko. Lagi niyang kalong kalong kahit tulog. Paano ba magustuhan ni baby mga mii. Gusto ko na umuwi sa bahay namin ng asawa ko. Pinilit lang kasi kami dto sa bahay nila MIL para may kasama kami mag aalaga kay baby pero di na ko natutuwa sa nangyayare. Ok lang naman kasi apo nila pero masakit lang sa part na mas ginugusto ni baby kay MIL kesa sakin na ina 😫😫

28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ramdam kita, kung pwede nga lang wag na tapusin maternity leave ko para makauwi na sa manila. pero sa akin naman napapatahan ko ang baby ko, mix feeding pa ako now. hopefully kapag bumalik na kami ng manila mapalapit na sa akin si baby dahil dito 3 silang nagfifeeling nanay.

Thành viên VIP

Kaya ako minsan ko lang i bottle si baby sakin ko tlga pinadede kaya hinahanap hanap ako ng anak ko kapag baba nako ng hadgan titignan niya nako tpos hihinto na sa iyak sila lang gusto nila i bote para mahawakan nila !! ayoko lng tlga mag salita kase masakit ako magsalita

mixed feeding din ako and sa first month din noon ni lo kay lola lang din sya tumatahan but don't worry kasi kilala ni baby ang mommy nya basta continue mo lang breast feed sya hanggang kaya and try different position kapag papatahan mo.

Mii cguro sa the way ka magbuhat. Ganyan din baby ko dati. Laging naiyak sakin tapos pagbigay sa mama ko tahan na agad. Yun pala ayaw nya yung the way ako mgbuhat sa kanya. Try mo gayahin yung buhat ng MIL mo. Sana makatulong ❤️

Habang maaga pa gawin mo na yung gusto mo na umuwi sa inyo mi kasi ikaw din magsusuffer dyan pag hinayaan mong ganyan. Kung kaya mo naman alagaan magisa si baby mo sabihin mo sa asawa mo na umuwi na kayo sa bahay nyo.

Umuwi na kayo, nasanay na baby mo sa amoy ng MIL mo kaya sya ganyan. Wag mo kasi hayaan na lagi nila kinukuha. Ikaw ang nanay,ikaw dapat nasusunod.

its normal lang naman umiyak ang mga babay kasi ilang month palang naman sya mawawala din yan

Anu po ung MIL?