28 Các câu trả lời

hmm i have to comment on this kasi parang napagdaanan ko ito 😅. ganyan na ganyan din ako nung mga unang weeks ni baby, 4months na sya ngayon btw. since hindi pa lumalabas ang milk ko nun mamsh ay more on formula pa si baby at nag uunli latch naman sya hanggang sa napalabas nya milk ko. so hindi nga sya tumatahan sa akin pero pag si MIL ay biglang stop at tulog agad at lahat naman ginagawa kong pag papatahan bago ibigay kay MIL at na feel ko din yang na fefeel mo ngayon mamsh. Gang sa may nakapagsabi sa akin na gusto daw mga babies amoy at warmth ng lola kaya ganon nalang sila pag nakakarga ng matatanda. Unli latch lang mamshie at darating ka sa time na tititigan ka ni baby pag nag dedede. Hanggang sa nagustuhan din ako ni baby at ayaw na nya sa iba kahit kay MIL at kasambahay namin. Ayun 4months na at ako na sumusuko, kunin nyo na muna si baby at napapagod na ako hahaha laging gusto sa tabi ko na ayaw magpababa na tipong hindi na ako makapag self care, mabilisan lagi ang pagligo/pagkain/poops. Minsan pag constipated ako hindi ko sure kung sino uunahin ko yung sarili ko ba na mag aantay lumabas ang poop o lalabas na ako ng cr kasi grabe na ang pag iyak ni baby at wala na naman ako sa tabi nya. Sa sobrang ka clingy han nya sa akin gusto buhat buhat ko lagi umaga gang gabi (e ang bigat bigat na nya)na pagod na pagod na likod ko kakabuhat. Hindi na ako makalabas sa bahay kc umiiyak at hindi tumatahan ako lagi hanap. So ayun mamsh, cherish moments like those at part yun ng process of upbringing. kung maibabalik ko lang ang panahon ay sinanay ko sana sya sa ibang tao magbuhat para hindi ako hirap na hirap ngayon.

tyagain mo talaga mommy ganyan na ganyan ako nung unang week since cs ako gusto lagi ni MIL itatabi nya sa kanya yung baby ko... pero di talaga ako napayag kahit masakit tahi ko tiis lang talaga para saken mag dede baby ko. kahit sabihin nya na ipump ko nalang tas sa bote mag dede... natanggi talaga ako hehe sinasabi ko nalang mas gusto ni baby sa dede ko kesa sa bote. tyaga lang talaga kahit umiyak pa sya matagal titigil din yan basta buhatin mo lang sayaw sayaw mo...mas okay na yung amoy mo lang muna naaamoy nya.. ganun din kasi nung una pag kuha ng MIL ko tulog agad.. pero napag isip isip ko kasi napagod na saten si baby kaya nag kakataon na nakakatulog na sa iba... pero observe mo sa tagal ng iyak nya tatahan din sya sayo.. na pepressure lang kasi tayo patahinin si baby kasi nga may bakaabang na kukuha sa kanya..kaya ako kahit nakakapagod mag talaga mag patahan di ko talaga ibinibigay sa MIL ko.. pinapabuhat ko naman pag gising si baby nalalaro nya...

same case tayo Mii..gnian din ako nung una..1st apo nila kse at sabik na sabik sila sa baby nakakainis n nga minsan Kase tlagng kinukuha sakin pag umiiyak tipong Hindi na binababa si bby pag natultulog paano masasanaya sakin Ang bby kung lagi ganun un Ang nasa isip ko..e noon nahihiya nmn ako kase di prin tlga ako marunong mag alaga ng bby as ftm ako..naiyak nlng ako sa Cr pag ganun na feeling ko mas may bonding sila ni MIL..Nung unti unti na ako Natuto humawak Kay bby ayun Minsan tlga khit umiiyk at diko mapatahan kahit kunin sakin ni MIL diko binibigay sinasabi ko hayaan nyo ho para masanay sa karga ko ..Ngaun ok na Kilala nako ni Lo ko ☺️ Ang sarap sa feeling pag ikaw tlga nag aalaga sa bby mo e pero diko nmn minamasama kung may nkktulong ako like MIL Ko..pero minsan di rin maiwasan na mainis kse parang minsan Dina nila iniintindi nrrmdaman mo as mother.

Breastfeeding po sana ang best bonding na pwede nyong gawin ni lo (since that's their favorite thing and you're the only one who can provide it to lo ☺️) Anyways, para mapatahan, suggestion ko lang po is to stay calm and be confident. Yung tipo bang pagbuhat mo sa kanya, mafi-feel nya ang calmness and steady heartbeat mo. Kapag ikaw kasi mismo nagpapanic, mafi-feel din ni lo ang aura mo na iyon. Try to spend more time with your lo, and sabihin mo kay mil ang intention mo. Sabihin mo na as much as you appreciate her help, gusto mo na sa iyo masanay si lo, specially since ikaw rin naman ang mag-aalaga kay lo in the future (?). Para maiwasan ang alitan, pwede mo rin istroke ang ego ni mil at "magpaturo"ka sa kanya kung paano mapatahan si lo, and to "practice" her ways, ay huwag hayaang laging makuha sayo si lo mo 😅

true mamsh good advice ito :D si lola namin nakiusap kami na more on gawaing bahay ung need namin na help then pagdating kay baby hands on kami ni hubby. nakaka build ng bonding kay baby lalo na ang breastfeeding ska bath time. try nio din po skin to skin contact ska baby massage

try nio po mag skin to skin contact kay baby :) then sabihan nio nalang po na minsan kayo po magpapatahan wag agad kunin ni MIL pag umiiyak. kaya po sila tumatahan pag kinukuha ng iba kasi may mga tao talaga na sanay na sanay na maghawak ng baby, comfortable si baby sa position na un. same din kay baby ko may times pag kinukuha ng tita tulog agad. in our case naman po nag usap kami ni hubby ska mil na sa luto lang po namin need ng assistance, and sometimes sa gawaing bahay :) if need ko po ng help kay baby dun ko lang po binibigay kay mil. thankful dahil supportive si hubby. syempre may cons din po pag naging clingy sau si baby. ngaun 8mos na baby ko di ko maiwan kasi ako lang lagi hanap nya. mejo struggle gumalaw lalo na pag gusto ko ng me time. pero tiis lang muna ako kasi maiksi lang ang time na baby sila hehe

pure bf din baby ko kaya sobrang lapit namin sa isa't isa. kahit kasama namin sa bahay parents ng asawa ko. kapag hawak sya ng MIL ko, laging nahabol sakin. tska ako lahat sa baby ko. never yon, nagpalit ng diaper o nag bihis sa anak ko. pati pag prepare ng food ni baby ako lang. nung 1st month namin sya nagpapaligo kasi CS ako. after a month ako na. nahahawakan lang to ng MIL ko kapag may gagawin ako, like, kakain, liligo o pag nag lalaba ako pero ititigil ko lahat ng gagawin ko kapag dedede, tutulog, o liligo na sya. yan kasi yung pinaka ayokong mangyari yung mas magiging malapit pa sa iba yung anak ko, kahit sabihin na apo, masakit talaga sa nanay yung ganon. kaya pinilit ko mag ebf muna kami at wag muna mag work hanggang mag isang taon sya.

yan ang isa sa mga reasons ko bakit di ako pumayag na magmix feeding muna sa baby ko noon. pag pure breastfeeding, no choice kasi ikaw at ikaw ang always kasama ni baby dahil halos oras oras dedede sayo. so laging may skin to skin, at sanay na sanay sya sa amoy mo. parents ko kasi gusto rin kinukuha si baby ko nun para raw do ako mahirapan, pero dah di ako nagpaformula pa at di ko rin pinupump, binibigay nila agad si baby. di nagtatagal sa kanila 😅 i think, better na umuwi na lang po kayo sa bahay nyo talaga ni husband, para ikaw na po mismo ang hawak hawak lagi kay baby.. and that way po, mappractice ka po how to take care si baby. kayo ni hubby.

true yan mamsh! more bonding pati kay baby so no choice si mil, sil etc na kunin si baby sayo kase alam nila sayo dumedede haha🫶

same nung bago plng sa earth ang baby ko khit ebf ako sa mother ko sya habol kaya akala ko ayaw sken ni lo non sbe ko nga ako naman nagpapadede pero ayaw naman nya sken. ksama namen mg asawa ang mother ko sa bahay namen kse wfh ako so dito muna sya nakatira ang ginawa kong technique pinilit kong aralin paano mapatahan ang baby ko kapag umiiyak ng hindi ko bnbgay sa nanay ko hehehe...aun epektib kapag ng naligo ako, ngabihis at ng cologne at alam ni lo na lalayas ako dhl bbli ng diaper nya ang mata sunod ng sunod sken kapag uwi ko na tatawagib ko lang sya ismo bulateng inasnan na hahah btw 4 mos na si lo

1week old palang pala si baby means may separation anxiety ka pa mommy.. sa tagal ba naman ni baby sa tyan mo di ka pa Sanay na nawawalay siya sayo... mag Unli latch ka lang mommy mas damihan mo pasusu sayo kaysa formula feeding.. mas may bonding kasi kayo mag ina pag lagi siya sayo nakadikit... kami ng baby ko jusme wala na ko nagagawa lagi nakadikit sakin 14mos old na siya ngayon at EBF pa rin.. di mawalay sakin nakakalakad na ngalang kaya binibitawan ko na😆. pwede mo naman sabihin din Kay MIL na sayo muna ang bata ibibigay mo nalang Pag may gagawin ka

same mamsh, baby ko 8 months, sya naman nasesepanx sakin. kala mo pagmamay ari nya ako eh 😂

same tayo momsh, pinagkaiba lang sa Nanay ko siya tumatahan, yun tipong parang magic! hahaha di namin mapatahan parehas ni jowa, tpos yun tipong kukunin palang ng nanay ko, dipa totally buhat aba! tahan na agad tapos tulog agad siya. as in parang magic! hahaha minsan nga gusto ko na hiramin yung damit ng nanay ko at susuotin ko para tumahan sakin si baby.. sakin naman okay lang kase newborn pa siya, mas mahaba pa yung time na pagsasamahan namin at more bonding together, makikilala at magugustuhan din ako soon ni baby..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan