5 Các câu trả lời

notify nyo po si HR para mabigyan kayo ng mat 1 at reimbursement form pati medical hx to be filled up by OB after mo manganak.. lagkateceive nyo po, fill upan nyo yung mat 1 and then i submit nyo sa HR together w/ ur trans v or utz para po maifile nila.

naku mahirap po talaga kausap kapag agency, ganyan din ngyari sa hubby ko... agency sya since then.. tas nagloan sya way back 2018 pa pero pag update nya ng sss nya recently lang we found out na may loan balance pa sya na 5k plus 2018 pa yung last na hulog sa sss nya pero kinakaltasan naman sya until now... haiisst I would suggest na imsg mo sila and tell them pag wala pa din result at the specific date mag seek ka na kamo ng legal actions from DOLE para ma alarm sila. Hindi pwede yang ganyan.. Baka kasi kaya hindi sila nagrereply kasi hindi sila nag aupdate ng hulog just like my hubby.. kaya dapat lagi nyo ichecheck monthly sa online

Hi sis, mag notify kana ng mat 1 kong employed ka naman yung employer mo na magpapasa nun sa SSS basta complete ang mga requirements mo 🙂 at wag kang ma-istress makakasama sa baby

Sobra sis. Para kong pinagbagsakan ng langit at lupa ngayon. Naiiyak ako kasi nagwoworry talaga ko sa mga susunod na expenses ko. Nauubos na yung savings ko at di pa ko kinakausap ng agency ko regarding dito. Gusto ko itawag sa DOLE pero ang sabi ng iba sa kin, need ko daw na madami kaming magreklamo para mapansin. Less than 100days na lang lalabas na baby ko. Yung anxiety ko since magka pandemic at nawalan ako ng work, sobrang lumalala. To the point na nag iiiyak na ko pano ko bubuhayin si baby.

Hi sis about dun sa tanong mo if pwedeng si hubby mo yung magpasa, yes pwedeng sya but still need na may hulog yung SSS mo for atleast 3months between April 2019-March 2020.

Tama po ba na until June 30 lang ang last day na pwede maghulog para sa may mga due date ng July-Aug-September? September din kasi due date ko and sinabihan ako na hindi na ako makakahabol ng hulog kasi past June 30 na.

VIP Member

Wag nyo po stressin sarili nyo momsh naapektuhan din po si baby.

Di ko kasi maiwasan. Ilalabas ko na si baby by September, pinapaasikaso na sa kin yung sa SSS maternity benefits kasi malaki po yung help. Yet, I don't know where to start. :( Stop pa din operations ng company na pinapasukan ko and more on expenditures nangyayari. Nag woworry ako na baka ma CS ako kasi usually dito sa Manila yun ang pinupush ng mga hospital. I don't have my family with me and walang support from other people. Kahit ayoko mag worry, di ko maiwasan.

Ito po para ma-check nyo

Hala.. thank you po sa pag inform sa kin. Need ko talaga kulitin yung agency ko :( sana di ako mapaanak ng maaga sa stress na binibigay nila sa kin. Ang hirap ng ganito. Gusto ko tuloy magpa Tulfo. Feeling ko nasayangan ako ng May2019-March2020 na work dahil sa nakita kong 0 contribution ako. Ang sakit sa loob.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan