ano po maganda para mawala manas ko sa feet ? totoo po bang nakakpag pawala ng manas ang pag kain ng monggo thank you ??
thanks po sa makaksagot :) ano po ginagawa nyo ? :)
Hi Sis.. nabasa ko lng. hope it helps you. Walang gamot sa edema, ngunit maraming paraan para mabawasan ang pananakit o para mas maging komportable ang lagay ni Nanay. Iwasan ang pag-upo nang naka ekis ang mga binti o sakong. Iwasang maupo o tumayo ng matagal. Tumayo-tayo o maglakad-lakad ng ilang sandali kapag nararamdaman nang matagal nang nakaupo o nakatayo. Ipinapayo ng mga doktor ang paghiga ng patagilid sa kaliwa upang hindi gaanong madiinan ang mga ugat at ang kidney. Ipahinga ang mga paa at binti, hanggat maaari. Itaas ang mga ito o ipatong sa silya, unan o footrest. Kapag napapahinga ang katawan, natutulungang maglabas ng tubig ang kidney. Ideretso ang mga binti kung nakaupo, at iikot ng dahan dahan ang paa, at igalaw ang mga daliri sa paa. Pumiling magsuot ng komportableng sapatos, o sapatos na mas malaki ang sukat kaysa sa karaniwang sinusuot. Iwasan ang pagsusuot ng medyas o stockings na may mahigpit na garter sa sakong o binti. Kung magsusuot ng maternity stockings, pumili ng waist-high maternity support Uminom ng maraming tubig, o sampung baso sa isang araw. Nakakatulong ito na mapigil ang pag-ipon ng tubig sa katawan. Surprisingly, this helps your body retain less fluid. Mag-ehersisyo. Maglakad-lakad o lumangoy. Ang pagbababad sa tubig (tulad ng swimming pool) ay nakakabawas sa pamamanas. Lagyan ng cold compress ang mga namamanas na bahagi ng katawan. Kumain ng masustansiyang pagkain at iwasan ang junk food, maaalat na pagkain, at mga inuming may caffeine. Makakatulong ang pagkaing mayaman sa potassium tulad ng saging.
Đọc thêmkalamsi juice yun pung puro talaga .yun ang turo skin ni mother
okay po maraming salamat ❤❤
My Baby REECE ❤