Magkano po nagagastos pag nanganak?
Teenage pregnancy po kase hehe
2018, normal unmedicated labor: around 10k sa public hospital. Di ko na pina-discount yung PhilHealth kasi gustong gusto ko na talaga umuwi pero for sure masbababa pa yan. Mura, magaling naman doctors, kasama na newborn screening, vaccines, hearing test, etc. May social worker to determine if mapapababa pa yung babayaran. Ok na rin pero yung availability ng room depende sa dami ng pasyente and hindi ako nakapagpahinga nang maayos kasi maraming tao sa ward. Now we're planning sa lying in para maskonti tao, around 20k daw if walang PhilHealth. May private room, same services for the baby at may hospital sa tabi if anything goes wrong. Be honest lang sa OB mo. Minsan kasi nagwwork din sila sa masmurang hospital so pwedeng dun ka manganak para sya pa rin doctor mo pero masmura. Kung normal and healthy naman yung pregnancy mo most probably hindi sya ganun kamahal. Minsan lang may mga complications na hindi natin masasabi kaya kailangan prepared talaga.
Đọc thêm