56 Các câu trả lời
me!!! mommy...nasa pila pa lang feeling worried na kung lalagnatin ba si baby after or kng mabigat ba kamay ni doc.. nakakaawa kasi pag inject time na.ako yung napapapikit 😁
Ako 😂 Kaya nga every vaccination ni baby, si daddy kasama. Kakaiyak kaya. Nasa malapit lang naman ako. Hina-hug ko kaagad si baby paglabas nila sa room.
Ako takot lang talaga ako pag nilalagnat sya sa bakuna kasi talaga nakikita ko yung puyat, hirap nya sa oag tulog at iyakin nya pag mas sakiy sya
Noong sa panganay ko, takot na takot po ako kasama ko pa nga ang aking bilas hehe. Pero nung kalaunan, nasanay na po. si baby na ang takot hehe
Wala namang sign na takot si baby sa bakuna. Ayun lang at masakit kapag naiturok na kaya umiiyak pero more on curious pa rin kaysa takot.
si baby...nung dalaga pa kasi ako kasama na ako palagi ng mga ate ko while nagpapabakuna sa mga bb nila...kaya nasanay na ako...
yung tatay 🤦♀️🤦♀️ imbis makatulong sa pagpigil ng sipa ni baby.ayun sya pa unang kinakabahan 😅🤣🤣
Hindi ako takot, actually naawa lang ako kay baby dahil tuturukan siya. Lalo na kapag lalagnatin siya after vaccine.
nung unang baby ko po ako po. 😁😁😁 halos iiyak na din po ako nung naturukan po siya tapos iyak ng iyak..
Ako natatakot kc nasasaktan c Baby. Naiyak dn ako nung nainjectionan na sya tapos nagstart na sya umiyak 😅