I agree with some of the points mentioned like ALWAYS ASK YOUR OB kapag may medical questions and sana nga po iwasan na magpa-interpret ng lab results and ultrasound dahil doctor lang po ang puwedeng gumawa niyan. BUT I have to disagree with some points.
1 & 3. PREGNANCY TESTS. Yes, paulit-ulit siya pero iba-iba naman tayo ng pinanggagalingan, di po ba? I believe na most naman po ng mga nagtatanong have read the instructions, but yung context ng kung bakit sila nagtatanong ang hindi naman natin alam.
For example, may second line nga pero faint naman or negative pero ang tagal na delayed or positive pero may bleeding siya. May ilan na, maybe, matagal ng nagta-try and hindi makapaniwala na nakabuo na sila. Or maybe yung iba gumamit ng protection/contraceptive so hindi rin makapaniwala kung paano sila nabuntis.
If nasa mga ganoong sitwasyon ang isang babae, nakaka-confuse naman talaga. Sana wag po natin silang i-judge na hindi nila naintindihan ang instructions ng PT. Mas madali na sabihing, "Opo, positive." Kaysa, "Ano ba yan nakakailang test ka na hindi ka pa rin ba naniniwala? llang test ba gusto mo?"
Always put yourselves in their shoes dahil I'm sure if ikaw din ang confused, you wouldn't want to get answers na hindi nakakatulong.
6 & 7. Dapat po talaga na kapag may kakaibang nararamdaman, mas lalo na kung may blood na discharge e ikonsulta na sa doctor. Pati na rin ang questions kung dadalhin ba sa pedia, the answer should always be YES kung may sakit ang bata.
But let us not assume na may number sila ng OB or pedia dahil hindi lahat ng doctors nagbibigay ng number nila. Yung iba number lang ng secretary or yung iba kahit may number ka na ng duktor hindi naman sumasagot.
Ang daling sabihin na pumunta ka ng doctor! But we are already assuming na sa city sila nakatira na may ready na sasakyan. What if far-flung area na walang public transpo? Hindi po lahat taga Manila ang mga nasa app. We have users from Visayas and Mindanao also. And kahit na nasa Manila, only 11% ng population sa Maynila ang may private vehicle.
Yung mga nagtatanong naman gusto lang nilang malaman if sobrang urgent ba na kailangan na nila pumunta now na or if may time pa sila to make arrangements or maybe find a doctor. Again, mas madali namang sabihin na, "Dalihin niyo na po sa ER," kaysa "Hihintayin mo pa ba na mamatay ang anak mo bago mo dalihin sa ospital. Anong klase kang magulang!"
9. Dito ako strongly disagree. This app was created to be a safe space for parents mas lalo na sa mga ganito. If you've ever met a victim of domestic violence, sasabihin niyan sa iyo na hindi nila ito ma-open up sa pamilya nila. They would rather open up sa strangers dahil for them nakakahiya yung situation, yung iba naglalaban pa sa kanila ang desisyon to have a complete family or magkaroon ng broken family.
Again, hindi natin alam ang backstory. Let us not be quick to judge. Offer a sound advice dahil karamihan naman sa kanila alam ang tamang sagot, they just have the resolve to go through with kung ano man ang tamang gawin. Maybe wala silang confidence na they can make it on their own.
10. PAMAHIIN. Hindi ako naniniwala sa mga ganyan. But I always think na for sure yung mommy/daddy may doubt naman kung totoo ang pamahiin, kaya nga sila nagtatanong diba? But again, hindi naman natin alam ang sitwasyon nila.
What if nakatira sila sa bahay ng magulang and pinagbabawalan sila to do certain things dahil yun ang ini-impose na belief sa kanila? Like yang sinasabi niyo na naliligo sa gabi. Like paano diba? Patago sila maliligo? Hehehe
I guess my point is hindi nila kailangan ng judgment natin. Answers ang kailangan nila. If you know the answer, sagutin mo and on to the next. If naiinis ka na sa question, skip and sumagot ka na lang ng poll.
Change in perspective po siguro ang kailangan natin and an understanding na hindi tayo pare-pareho ng background at pinagdaraanan. Magtulungan tayo para masiguro na mapalaki nang tama ang mga anak natin.
Ang haba na nito pero yun lang po :)
Cristina Carmel Orias Arbuyes