Hindi lang naman po pagtatahi ang ginagawa pag CS. Ipeprepare pa yung mother, like tatanggalan ng pubic hair, minsan late din dumadating yung OB na gagawa ng procedure or di kaya yung pedia or anesthesiologist. Tapos gagawin na procedure. Tuturukan muna ng anesthesia sa may spinal cord, tapos antayin unti umepekto, kapag wala ng maramdaman yung patient sa babang parte ng katawan, saka hihiwain yung tyan. Ilalabas yung baby, bago tatahiin. After nun, lilinisan yung baby at gagawin yung unang yakap. Ako noon natagalan sa paghihintay sa doktor, ee. Wait nyo na lang po at samahan ng prayer. Babalitaan naman kayo agad nyan ng attending doctor, ee.
Pinasok ako sa operating room ng 3:30PM. My baby was out at 3:56PM. Dinala ako sa recovery room ng mga 5PM na ata as far as I remember.