28 Các câu trả lời
Okay lang momsh basta hindi pababayaan at aalagaan nya parin ang anak namin kung mawala man ako. Para sakin okay lang din pagusapan ang ganyang bagay kasi hindi natin hawak ang buhay natin. Basta kung ano ang makakabuti sa kanya at sa mga anak namin 😊
Minsan ang katotohanan masakit talaga. Kaya ang asawa ko never ko tinatanong ng ganyan. Naiinis din kasi ako sa mga sagutan niya kahit pa minsan joke lang yun. Hayaan mo na mommy. Di ka pa naman patay. Pag ikaw naman tinanong niya, yun din isagot mo.
I wouldn't mind. Wala na ko nun para sa pamilya ko. Hindi ko sya pipigilan kung yon ang magpapasaya sa kanya. Wag na wag lang nyang papabayaan ang mga anak namin. Ang mahalaga for me, masaya kami habang magkasama pa kami.
naku girl, wag mo na isama ang stress sa kabilang buhay. patay ka na non. mas bigyan mo ng atensyon at importansya kung paano mo ipprepare ang future ng mga anak mo sakaling dumating ang panahon na yon.
nagpauusapan nmin ng asawa q yan incase my mawala smin(wag nmn sna) wag na mag asawa kc bka ung mahanap naming kapalit sasaktan o kawawain lng ung anak namin.. wag na skit lng sa ulo
ako diniretso ko na agad okay lang sakin kasi wala naman na ko nun basta ayusin nya pag hahanap ng bago yung mabuting tao dahil pag hindi mumultuhin ko sila 🤣🤣🤣🤣
napag usapan na din nmin yan ng hubby ko , sagot nya di daw sya mag aasawa , sagot ko namn okay lang mag asawa ka ulit bsta tanggap at mamahalin din ang mga namin . 😊
Sa amin open kami sa ganyan, ako pa nga nagsasabi sa kanya na mag asawa pag nawala na ko. Maging open - minded lang. Laging isipin ang happiness ng isa't - isa.
gusto ko makapagasawa upit siya kapag wala ako, para maging masaya ulit siya at may kasama siya sa mga bata. napagusapan na din namin, ayaw niyang magasawa ulit.
kumg sakaling wala na ko? ok lang,,basta mamahalin sya aalagaan at d papabayaan ng bago nya mamahalin..at dapat d lang sya mamahalin pati anak namen..
Marie Lou