kasal sa dating kinakasama
tanong ko lang po, kasal po kasi ako dati pero hiwalay na po kami 3 years na po, and ngayon po may kinakasama na po akong bago at buntis na po ako, ask ko lang po..makaka pag file pa din ba ko sa sss matben ko kahit na gagamitin ko surname ng kinkasama ko sa BC ni baby? ang gamit ko na kasi sa sss ko ay yung surname ng dati kong asawa..and complete naman po yung hulog ko sa sss? sana po may makasagot at makapansin .salamt po,.
kung sa baby na birth certificate tingin ko pwede. as long as yung surname mo is ung sa legal mo na asawa kasi wala kang makukuha na benefit kung hindi match ung name mo sa system ng SSS. But to make sure itanong mo sa SSS hotlines For comments, concerns and inquiries contact: SSS Hotline: 1455 Email: [email protected]
Đọc thêmHindi po pwede. Ang kailangan niyo pong gamitin ay ang tunay nyong legal surname (in your case yung married name mo). Kailangan din ito mag match sa ID mo. And I don't think you can legally use your live-in partner's surname if you are not married. Yung anak niyo po ang pwede gumamit ng apelyido niya.
Đọc thêmay sorry kulang pala tanong ko ibig ko po sabhin..lahat ng id ko gamit ko surname ng asawa ko dati . .if ever manganak na ko ipapagamit ko sa BC ni baby ay yung surname nung kinakasama ko, pde po kaya yun? Magkakaproblema kaya yun sa sss matben?
yes. pede. pero mas okay kung maiden name mo ung gamitin sa bc nya tas papirmahin mo na lang sya for acknowledgment pero kung sure kana sa guy gora lang. sa id mo once na makasal ka at ginamit mo apilido ng asawa mo bawal kana magreturn sa surname name mo date. not unless mag divorce. pati sa bc ni baby mo
Đọc thêmaa thanks po, okay lang din kaya sa sss pag nag file ako sa matben? yun kasi inaalala ko e baka d ma approved. dahil sa married na status ko sa sss.
yes mommy makukuha mo prin yun .. gamitin mo lng mga id mo na tugma sa info mo sa sss.. wala naman problem ung kung iba ama ng dinadala mo ngayon.. ang importante po is anak mo xa 😊 makikita naman po yan pag nag send kana ng bc ni baby .. pwede po .
thank you po mam,.bigla kasi ko napaisip baka pag nag file na ko sa matben d ma approved dahil dun ..salamat po sa reply :)
Di mo po pwede gamitin surname ng kinakasama mo. Wala ka naman po mapepresent na marriage cert sa bago mong kinakasama pag hinanapan ka eh
Yes po sa baby mo po pwede po
Makakakuha ka pa rin. Ang mother's maiden name naman ang titignan nila doon kung anak mo talaga.
salamat po... yun kasi talaga inaalala ko hehe, sayang naman contri ko sa sss kung dko pala magagamit.. .
Pano nyo po gagamitin surname ng kinakasama nyo kung hindi kayo kasal?
i mean po sa BC Sana ni baby