Kumakain ng hilaw na bigas
Tanong ko lang po 6 months pregnant po ako at gustong-gusto ko pong kumain ng bigas. Okay lang po ba yon sa baby?
pwede, kaso na kwento sakin ni mama wag ko daw gagawin kasi mabilis daw mabubungi ang ngipin ni baby, kea nasabe ko sa knya kaya pala bungibungi ngipin ko ei, natawa lang sya kasi gawain nya un nung pinagbubuntis nya ako ei... hahaha
Sa panganay qoh ganyan din aqoh ang hilig qoh kumain ng bigas hehe..kaya paglabas ni baby may puti puti sa muka dahil daw un doon pero natanggal din nmn...
Tulong po, 8 months na ako pero di ako kontento na di kumakaen ng bigas may masama bang epekto sa baby yon? Pahelp naman po Pinipilit ko naman sya iwasan
Ibang klase cravings mo mommy, pero it's a no! Stop nyo po yang pagkain ng bigas hindi po healthy yan.
Try mo ask si OB mamsh pero nay nabasa kasi ako na bawal daw kumain ng hilaw ang mga preggy.
Pica po siguro yan. Inform mo si OB mo momsh. Baka may nutritional deficiency ka.
naalala ko ung manager ko date, ganyan dn sia haha Kumakaen sia ng bigas hahaha
NO PO!!!! Pwede po kayo magka anemia sa ginagawa niyo. Stop niyo na po yan.
Nakakabulate po ang hilaw na bigas,bawal sa buntis sasakit din ang ngipin.
Syempre hindi. Anytjing na hilaw is not okay, common sense.