sleep position

may tamang position po ba ang pagtulog o paghiga ng buntis?

41 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Depende kung anong trimester ka na. Pag malaki na tummy mo, left or right side position. Pero kung maliit pa naman, mga hanggang 4 months ganon, pwede pa kahit anong position kahit dumapa ka pa. Ang medyo iiwasan mo lang is yung matulog ng walang unan at nakatihaya kasi bumabagal yung daloy ng dugo mo.

Đọc thêm

I'm on my 37th week, medyo hirap na sa sleeping position kasi ramdam mo na yung weight ng tiyan mo. Kung nasa left side ka or kahit right side, sisiksik si baby sa side at ang hirap magshift ng position. Mahirap tuloy bumangon pag wiwiwi ka hehe...

Tinanong ko po OB ko about diyan kasi ang dami ko nababasa dito na nagtatanong, pwede naman daw kahit anong sleeping position as long as comfortable ka daw except sa padapa daw siyempre. 😊

Left side lying position po especially sa 3rd trimester.pwede parin naman po ang right side position basta full na nakaside. Para hindi madaganan yung malaking ugat sa loob

Thành viên VIP

left side lying momsh. if right, super nakaharap sa right para di maipit ni baby major vein natin sa right side.

Thành viên VIP

Left side sis..pero qng nangalay kna..pede nman mag right side then balik mlang ulit left if ok kna

left side po ang advise... pero syempre kpag nngawit k pwede k nman lumipat sa kbilang side

left side po pero pg nangawit ako, sa right, minsan nakatihaya para di xa maipit

Thành viên VIP

Yes mamsh on your left side..pra iwas manas and mas comfortable daw sa left

Ako kung san ako comportable pero nirerefer mila ung left side