11 Các câu trả lời
I would say no. Maraming marriages ang nasisira ng dahil lang nabuntis kaya pinakasalan. Dapat malinaw sa parehong partido ang tunay na layunin ng kasal ay pagmamahalan. Kung ikakasal lang para hindi nakakahiya ay huwag na lang. Kase ganon din naman sa paningin ng tao, kaya nagpakasal ay dahil nabuntis o naka buntis. Ako if sa anak ko nangyari yan, hanggat wala silang stable na trabaho at hindi nila mahal ang isat isa ay hindi ko itutulak ang anak ko na magpakasal. Sagrado ang kasal mapa civil man or church kaya hindi ito basta basta sinusubukan. At makakatulong din ang maagang pangaral tungkol sa sex in a biblical way sa loob ng pamamahay para sa ganon ay hindi nila ito sa ibang tao at sa perverted na pamamaraan matututunan.
Ano ba ang reason bakit kayo magpapakasal? Dahil ba sa bata or dahil gusto ninyong bumuo ng pamilya at mahal ninyo ang isa't isa. Kung dahil kasi sa bata, medyo hindi ako sang-ayon. Kasi parang napipilitan lang kayo, and eventually lagi lang din kayo mag-aaway or magsisi kayo na nagpakasal kayo. But it doesn't mean na porke hindi kayo nagpakasal ay papabayaan ninyo ang anak ninyo. If mahal ninyo ang isa't isa at handa ninyong pasukin ang buhay mag-asawa, then get married. Lagi lang ninyo tatandaan na hindi lahat ng oras ay laging masaya. May mga problema na dadating na dapat ninyong harapin ng magkasama.
Depende kasi sa sitwasyon, IMO. My partner and I had our baby by surprise. Siguro kung walang bearing sa documents for migration, we would get married right away bago pa man lumabas ang baby. My dad is a strict Catholic and for him, it is unacceptable if our relationship won't be officialized. Pero we had to wait for a while para smooth ang documents. If both are you are emotionally and financially ready, why not? But if it's something to be done for the baby, I think it's better to hold off.
It's never a good decision na magpakasal dahil lang nagkaanak. I see it as a shotgun wedding. Pero kung nagmamahalan naman talaga, there's no problem with that. Always remember na pag nagpakasal ka, sya na ang makakasama mo sa buong buhay mo. Hindi lang sa pagpapalaki sa anak nyo pero tignan mo rin kung kaya ka nyang unawain at respetuhin ng pang-habambuhay. Ika nga nila, hindi ito mainit na kanin na isusubo mo, at pag napaso ka ay iluluwa mo nalang basta.
Its based upon the situation , wag mag palusdalus sa mga decision . Dapat ready kayo sa papasukin ninyo , emotionally lalo na financially , hindi basta basta ang pagpapakasal kaakibat nito ang responsibilidad ninyo bilang magulang at mag asawa.Ang basehan sa pagpapakasal is kung gaano kayo ka ready sa bagay na susuungin ninyo sa inyong relastion as mag asawa. Pag usapan ng maiigi at pag planuhan ng mabuti para walang pagsisi sa bandang huli .
Dapat ang pagpapakasal ay hindi nakabase dahil may anak na or mgkakaanak na. Ang dapat na maging basis ay ang love and commitment nyo para sa isa't-isa. Mahirap kapag ngpapakasal dahil lang sa anak kasi minsan hindi maganda ang naging pagsasama dahil may isang hindi pala handa or napilitan lang.
Personally, tingin ko, hindi dapat magpakasal ang dalawang tao for the sake lang ng bata dahil may mga kakilala ako na sa dulo, yung bata lang ang nagsa-suffer. Sa tingin ko baka pwede naman i-test muna kung ready ang dalawang tao sa seryosong commitment ng pagpapakasal :)
While it is ideal na maging legal na mag-asawa at makabuo ng isang pamilya, depende ito sa sitwasyon. Kung mature at handang panindigan ng both parties ang pagiging mag-asawa, agree ako na magpakasal sila. Pero if mapipilitan lang sila dahil sa bata, huwag na lang.
Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-14656)
Kung yung pagkakaroon lang ng anak ang dahilan ng pagpapakasal at hindi dahil mahal ninyo ang isa't isa then you are marrying for the wrong reason. Baka nga kailangan to step back and take some time to think.