7 Các câu trả lời

Momsh halos ganyan din ako nung una din namin ni Hubby. Nung magjowa kasi kami free sya gawin lahat di ko sya pinakikielaman kahit magka live in kami sumasama pa ko sa inuman nila magbabarkada, nung nagbuntis ako nakaramdam din ako ng galit pag makikipaginuman sya. Inexplain ko naman why, kasi buntis ako mas gusto ko nasa bahay sya katabi ko naaasikaso ako at sobrang clingy ko non, at isa pa ang baho ng hininga nya amoy alak pag matulog kami 😂 lagi ko sya pinagbababawalan hanggang sa point na nagalit sya nagtampo sakin umiyak kasi lahat pati rides nya pinagbabawalan ko sya. Naiyak din ako kasi ang sama ng loob nya sakin nagdadabog din sya napagsalitaan ako masakit. Nagsorry din sabi nya nadala ng galit pero hindi nya "mean" yung mga binitawan nyang salita. Kinausap ko sya non.. Sabi ko.. Hindi na kasi tayo tulad ng dati, magkakaanak ka na buntis ako may Asawa ka na, yang mga tropa mo walang anak yan kaya free yan gawin mga gusto nila, may allowance sila para sa ganyan, ikaw ang allowance mo para sa Anak mo na, diba ikaw naman may gusto magkaanak na pinagsisisihan mo ba na nabuntis mo ko maaga, (hindi naman daw) iba yung buhay single sa may Asawa na pag lumabas yan si Baby di mo na din naman magagawa yang mga ganyang bagay na yan. Ayun nahimasmasan naman sya. Pero pinapayagan ko nman sya pag may event lang. Pero pag walang ganap inuman lang hindi. Kagabi pa sabi nya daanan namin tropa nya nagiinuman, sabi ko bat wala ka don ayaw mo sumama? Sabi nya. "Ayoko may anak na ko eh sila wala pa" 😂 nacutean na lang ako eh. Ayun madami din kami misunderstanding kasi di naman madali sa kanila na baguhin agad yung nakasanayan eh pero unti unti paintindi mo at magbabago din yan. Wag mo damdamin yung sinabi kasi marunong magsorry partner mo eh, instead ipaintindi mo lalo na pag kalmado ang vibes nyo saka mo sya kausapin masinsinan, wag pasigaw malambing lang para marealize nya. Di yan makikinig kung sarcastic or pasigaw ang tono mo. Mas makikinig yan pagkalmado ka 😊

same situation mamsh. pero pag ayaw ko tlga hindi nya na pinipilit. maintindihin nmn asawa ko. Pakiusapan mo lang at tamang communication lng bilang mag asawa kau. Maiintindihan nya rin ang sitwasyon. pareho pa din kase kau nag aadjust. tulad nmn.

yung asawa ko naman never nya sinabe na palaglag yung baby namen kahit pag nag aaway kame non sinasabe ko ipalaglag nalang namen ayaw nya pero syempre ayoko din sinusubukan ko lang kung totoong mahal nya ko at yung magiging baby namin kahit sobrang dami namen problema lagi kame nag aaway nasasaktan ko sya binabalewala ko sya dati kahit anong naging problema namen wala akong nadinig sa kanya na palaglag isa pa yung mga tropa na yan wala talagang maidudulot na maganda kaya hinahayaan ko na sya naiistress lang ako at yung baby Sabi ko naman sa kanya pag nanganak nako hindi na pwede yung ganon Almost 3weeks nalang lalabas na baby namen ihope na iwasan na nya talaga pag babarkada nya

Yun din po iniisip ko sis :( 19 years old po kami parehas. Di kopo siya mapigilan kapag niyayaya siya ng kaibigan nya lalo minsan lalabas ng gabi tapos iiwan ako magisa mga 12 pm or madaling araw sabe nya sasaglit lang siya pero minsan kase kapag kasama barkada eh napapatagal siya :(

VIP Member

Kapag may asawa na o pamilyado na matuto din kasing kusa na i-set aside ang barkada. Ang dating eh gusto pa din magpaka binata 🤷 tsaka di totoo yang nadala lang ng alak kaya nya nasabi yung mga bagay na yun. Yun talaga ang totoong nararamdaman nya di nya nalang naitagong sabihin dahil na din lasing sya 🤦 kung ayaw magkaron ng limitations o ayaw ng may nag co-control sakanya edi sana di muna sya nag asawa 🤷

Yun po kase ang gusto nya, Naiinggit daw po siya sa mga tropa nya na nakaka alis kapag may nagkayayaan. Nakakaalis ng gabi, Nakakaalis ng walang pumipigil

TapFluencer

Wag mo pagbawalan mamsh. Lalake yan eh. Part na ng nature nila un tropahan. Iregulate mo lang. Make sure na wala naman kayo mga lakad na maapektuhan pag uminom siya ng ganitong araw and all. Ganon. Pero pag may lakad kinabukasan ekis. Asawa ko kusa na tumatanggi kasi narerealize nya na di siya makapagfunction ng maayos pag uminom siya at may lakad kami kinabukasan.

Yes nakaka sakal po tlga pag ganun attitude natin mga babae, wag masyado sis controlin mo srili mo hndi slahat ng bagay tayo ang tama kahit na buntis tayo. Bigyan modin sia ng konting space kaci hndi rin naman laging sa atin lng umiikot mundo nila. God bless,

Minsan kailangan din kc natin i control sarili natin hindi porket buntis tau lagi tau pagbbgyan isipin mo din may damdamin bf mo wag tau magpabebe maxado or dapat nasa tama ung pagkapabebe natin. Learn to control your emotions sis

Same tayo mom, ako napakahigpit ko talaga sa partner lalo nung mga nasa second trimester ako umaabot sa punto na nakikiusap na siya para pumayag ako pero di padin ako pumapayag, Naiinsecure ako pag mga tropa niya kasama niya gusto ko kasi ako lang kasama niya ganun hahaha. Tas napakasensitive kopa konting sigaw lang niya tumutulo na luha ko napakaweird HAHAHAHA madalas ko din siyang nasasaktan kaya nakukunsensya din ako hehe, Pero never kong narinig sakanya na ipalaglag nalang namin yung magiging baby namin thanks god kasi kahit napakamoody ko sobrang maintindihin at kalmado lang lagi asawa ko hehehe.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan