22 Các câu trả lời

No mommy. Ganyan na ganyan kami pero pag sinasabi kong magpalit kami ng sitwasyon, ayaw naman nya. May mga bagay na malakas tayo tas sila ang mahina. Nung pinagbabantay ko sya sa baby namin ng isang oras parang mababaliw na. Dede na daw kahit di naman gutom. Hindi porket provider ang partner/asawa dun na matatapos ang obligasyon, responsiblidad nya din kayo mag ina. Makasarili sya pag panay ganyan sumbat nya. Very wrong yan. Di nila alam na mas mahirap mag alaga ng bata. Buti pa ang trabaho may sahod.

No. Ang tanong, good provider ba yang asawa mo? Nabibigay ba nya lahat ng pangangailangn nyo? Kapal ng mukha nya pr sabihin sau yan. Pwede sabihin mo s knya mag hire kayo ng yaya kung kaya nya magbayad. Kaya nya b mag alaga ng bata at asikasuhin ka? Kung kino compare k nya s ibang mommy na may work or business, i compare mo rin sya sa ibang daddy na good provider at hindi pinagtatrabaho ang asawa, pr personal n mag alaga sa pamilya. Yan isagot mo s knya pag sinabi nya na bat hindi k mag work.

Nako mommy its a big NO! pero samen ng fiance ko baliktad kami. Ako yung nagtatrabaho. pero never ko sinumbat sa kanya yun. mas iniispoiled ko pa nga siya. kasi alam ko yung hirap na nasa bahay lang. 😥 sana alam yun ng mga LIP niyo. Di ganun kadali mag alaga ng bata. ako mas pinili ko magtrabaho. at fiance ko yung nasa bahay. pero sobrang effort ng fiance ko hatid sundo ako at todo asikaso saken. 😊😊😊

I feel u po huhu sobrang sakit n sabihin sayo ng lalake na wala ka nman magagawa after lahat ng support n binigay mo ngayon preggy ako at wala n magawa sa bahay palang ubos na oras hindi sila marunong magappreciate mga buysit lang talaga kaya pag may asawa at anak kana talaga hindi muna iisipin sarili mo kahit masakit tatanggapin n lang para lang s mga anak haist

Grabe naman yan.. asawa ko sobrang appreciate niya ko dito sa bahay. Biruin mo pag gising, kakain lang siya maliligo at papasok na. Pag uwi, kakain at maglalaro na hanggang matulog na siya. Ako talaga lahat dito sa bahay. Never niya ko sinumbatan ng ganyan. Ako pa nga humahawak ng ATM payroll niya eh. Basta siya ang focus niya magwork lang.

VIP Member

Nako sis, di yan tama. Sabihin mo sakanya kung gusto niya na magwork ka para walang masabi siya mag alaga ng anak niyo para maranasan niya rin nararanasan mo at kung buntis ka naman sabihin mo sakanya na magwork ka para wala siyang masabi at kung may mangyari sa inuo ng baby sabihin mo wagka sisisihin sa pagiging unreasonable niya.

Palit kaya kayo. Mas mahirap kaya trabaho ng babae sa bahay. Pagpapatulog pa nga lang sa baby nakakapagod at nakakapuyat na. Tapos sila na 8hrs lang duty sa trabaho tapos pagdating sa bahay pahinga na. Ikaw aasikasuhin mo pa pag dating, ipaghahain mo pa. Bwisit na sumbat yan, di niya alam sinasabi niya.

so sad naman po, ako napagsasabihan ako ng ganyan ng asawa ko pag nag aaway lang kami, pero di padin tama di reason na nag aaway kayo para makapag salita ng ganon kase gingawa ko din naman yung part ko ng pag aasikaso sa knya. hirap ng ganyan tapos tingin pa sayo ng family nya tatamad tamad ka,

Nahh kaya ako di ko inaasikaso partner ko walang kasal walang asikaso sya kumilos sa sarili nya basta ang mahalaga naaasikaso ko ang anak namin, okay naman sa kanya kasi sinabihan ko syang di nya ako katulong wag papaabuso sa partner para di ka maging kawawa di na uso martir ngayon.

VIP Member

D tama na sumbatan ka nya momsh mas mhirap nga yng nsa bhay lang lhat ggawin mo d nauubos ang gwain na bhay kumpara sa nag ttrabaho may limit trabaho nila grbe sya kung sumbtan ka ah. Prang dka nppagod nku kung ako yan dko matitiis ganyan ugali nang aswa.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan