Advice please

Tama ba tung ginawa ko? Nakipag hiwalay ako sa bf ko dahil nagdududa na naman. May anak na po kami 6 mos. Last pagdududa niya po e pinalayas niya ako at binantaan na baka masaktan niya ako if hindi ako aalis, kaya andito ako ngayun sa mama ko. Masakit parin sakin yung ginawa niya, Hindi lang simpleng pagpapalayas Yun. Sinaktan niya din ako physically at paulit2 sinasabihan ng masasakit na salita like bwesit, kadiri at sana mamatay nalang kami ng baby ko - mula buntis pa po ako Hanggang sa nanganak na. Ilang besis niya din akong pinalayas kahit anjan c mama.. Nag tiis muna ako nagbabakasakali ng mag bago, pero he's getting worst. After niya kaming pinalayas, gusto Niya akong bumalik pero hindi ako pumayag. Wala pong mga evidence mga pagdududa niya. Nakipag ayus parin ako pero I decided na dito na talaga mag stay kila mama. Working at home din ako at no time para lumabas, di ko rin hilig. Ngayun, hindi lang ako naka pag reply agad, duda na Naman. Pagod na ako... Please advice po

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

You did the right thing, I am proud kasi you are BRAVE! 💕Dapat din Ipa-blotter nyo po Bf nyo. And lahat ng evidence ng abuses nya mapa verbal, physical, economic(meaning hindi nagbibigay support both you and your baby) and psychological dapat i.keep nyo kahi simple na text messages or chat nah magagamit nyo. If may physical abuse, take pictures and magpamedico-legal. You can always visit sa Barangay hall para magreklamo/report or file Barangay Protection Order para hindi ka na nya magalaw or masaktan. Then ipa-police mo sya then punta kay ka sa Public Attorney's Office (PAO) pwede nyo sya kasohan under RA9262 or Anti-Violence Against Women and Children. Take note, wag sa police magpagawa ng Judicial Affidavit kundi dapat sa PAO/ lawyer of your choice/ lawyer sa prosecutors office. Note: Dapat sa lawyer at hindi police. And needed sa police ay ang blotter/ police report para strong ang case nyo. Walang palya pag lawyer gumawa kasi expertise nila ang law at Affidavits. Victim-survivor po ako sa violence nga ex- BF ko and now, lawyer na po ako. Be brave po. God bless!

Đọc thêm
4y trước

ty po for the advice.

Tama lang yan momsh, kung pwd nga lang tapusin mo n relasyon mo s knya. Bakit k p mgttiyaga s gnyang klaseng tao, simula't sapul eh hindi ka n nrespeto & ganyang ngawa k p nya saktan physically & emotionally. Hindi mgging healthy ang isang relasyon kung puro na lang duda, it means wla xang twala sau. Mgfocus k ky baby mo & mas mgging mganda ang future nyo mag ina kung wala kaung ksamang toxic s buhay.

Đọc thêm

Tama lng yan mommy... He is getting paranoid na and ndi na tama un nananakit na sya verbally pti physically pa.. and idamay pa pti baby nyo... for me non negotiable un pananakit physically... focus on yourself nlng and sa baby mo...

You did the right thing, mommy. Hindi healthy ang ganung environment para sa inyo ni baby, especially sa mga sinasabi nyang ganun, hindi safe. Work well para sa inyo ni baby, and be free. Wag ka na bumalik sa abusadong tao.

Tama lang yan mommy. Wag kang pumayag na ganyanin ka basta asayo ang bata ayos nayun. May ama nga yung bata wala naman kwenta balewala din diba? Kaya ayos lang mommy ginawa mo☺️☺️☺️

Thành viên VIP

Tama lang ginawa mo. Di naten deserve masaktan physical o emotional man. Buti bf mo pa lang. free yourself from that kind of partner kase stress lang yan lagi. Masyadong possessive nakakatakot.

Thành viên VIP

Mommy hindi po healthy na may ganung klase ng lalaki kang kinakasama. Hindi pa kayo kasal pero ganyan na siya. Hindi mo deserve ang katulad nya mommy.

Tama ang ginawa mo mommy 🤗 toxic yung tatay ng anak mo kaya wag mo na balikan, para na lang sa bata.

Thành viên VIP

You did the right decision, mommy. Keep strong, for you and your baby ❤️

safe ang buhay mo jan pati anak mo momshie kaya jan ka na..