Stress

Tama ba ginawa ko na mag open about sa nangyayare sakin dito sa pamamahay ng LIP sa ate ko? Wala kasi ako napagkwentuhan eh lalo na nangyayare samin ng LIP ko.. Ayoko mag open sa mama nya at mg kapatid nya halata naman panig sila sa anak nila dahil nandun kami nakatira kahit sabihin nilang gumigitna lang sila Bandang huli ikaw pa magmumukang masama o may mali. Nangyare kasi kanina dahil nagugutom ako imamicrowave ko sana ung pizza tapos nagpaalam ako sa LIP ko. Sabi nya wag daw sa kapatid nya daw un e sabi ko di ba pwede? Pag ako nga naiwan ko lang pagkain ko sa ref agad nawawala kinakain ng wlang paalam. Tapos di nya ako pinansin ang sabi pa sakin pinapairal ko na namn daw ang pangit kong ugali. Nakakainis sobra kaya iniwan ko sya sa sala at pumunta nako sa kwarto.. Tska ako nag msg sa ate ko at nag kwento sakanya na bakit ganun si LIP sakin parang lahat nalang mali nakikita nya o pangit inaasta ko lalo na sa mga kapatid nya feeling nya inaagarabyado ko sila.. Si ate ko namn nakikinig lagi sakin syempre nay nasasabi din (may sari sarili n kasi kaming buhay pati parents ko) ang reply nya "kung dimo tlaga kaya at gusto mo talaga kumain nun kumuha ka kahit isa lang maiintindhan naman siguro nila at nagpaalam ka naman" Tapos nabasa ng LIP ko pumunta sya sa kwarto. Nagalit sya bakit daw nagsasabi pako sa ate ko.. Sabi nya puro pangit at mali nalang daw lumalabas sa bibig ko... Nagsasawa na daw sya Ang hirap kasi lumugar mga momsh ?? diko ba alam san nako lulugar sakanya tapos pag magpapaalam bawal naman magagalit pa. Wala ako makausap ng saloobin ko dito sakanila malayo kami ?? di nako nag open sa LIP ko ng problem dahil minamasama nya lagi. Lagi nlang ako naiiyak at nasstress pag ganito ang sitwasyon ?? lalo na alam nyang wala ng susuporta sakin at may kanya kanya na silang buhay at mga parents ko.. (independent po kasi ako dati naka apart at may work ngayon nahinto na at sakanya nalang ako umaasa) Ano po kaya mapapayo nyo mga mamsh ?

6 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Iwan mo na yan sis, Mga inlaws ko pinagluluto pa ako ng food at ako unang inaanlok ng food. My God so damot nila dyan. Baka kapag nalaman ng parents ko ganyan gingawa saken bawiin ako. Nag asawa ka para mapabuti hnd para itrato kang ganyan.

Sabihin mo yung nararamdaman mo, sis. Kung hindi niya pa rin malagay sa kokote niya edi problema niya na ‘yon.

dapat kasi nagsasalita ka rin sa partner mo na ganyan ang kapal ng mukha niya ganon.

👆

Up

Up