Need advice pls..

Tama ba bigyan ng 2nd chance si husband? 3yrs plng kmi kasal, kpag nag aaway kmi lagi nya ko nasisigawan at namumura.. nitong huling away namin nasaktan nya ko pisikal.. ngayon nakikipaghiwalay na ako sakanya pero ayaw nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya, lagi daw kmi mag uusap ng mahinahon, ang mga problema pag uusapan para hndi maipon.. napuno daw kasi sya kaya sumabog, hndi nya daw alam bkit nya nagawa.. lagi ko daw kasi nya sinusungitan.. dahil sa Pera Kaya kmi nag away, Hindi nya bnibigay sakin sweldo nya, kaya hndi ma budget ng maayos, pareho Kami working pero lately kinakapos pa rin.. ayoko sana maniwala sa mga sinasabi nya.. itatama nya daw lahat ng mali nya wag lang ako mawala. May dalawa kmi anak.. nag apply ako ng BPO sa brgy. Bawal sya lumapit samin ng mga bata. Nililigawan nya ko ulit, babawi daw sya.. bigyan ko lang ng 2nd chance..

27 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Naiintindihan ko na gusto mo bigyan ng chance, maganda na i stand your ground ka muna na ipakita mo na nagkamali sya. Talk to your ninong at ninangs, or even parents. Kasi pag sa huli, babaliktarin ka nyan. Yung tatay ng anak kk ganyan, four yrs ko tiniis. Pinaglaban ko sa lahat, tinago ko baka kasi mafixed pa ang ganyang attitude Pero hindi, at the end, tinanggi nya lahat ng pananakit nya, good thing i have pictures mga pasa ganun. Pero what more can he do sooner or later? We all know we shouldnt fight about sa pera, dahil pera lang yan eh, mababaw yan for me, nadadala yan sa usapan.

Đọc thêm

It depends on you and your husband. Kasi sa totoo lang, magbabago lang yan kung gusto niya. Pwede niyang sabihin sa iyo na magbabago nga siya pero ikaw ang nakakakilala sa kanya kung kaya nya ba pangatawanan yan. Pero for me, bago mo bigyan ng chance, siguraduhin mo na alam mo ang worth niyo ng mga anak mo at iparating mo sa kanya na hindi ka pwedeng ganunin lang. Hindi ka pinanganak sa mundo para saktan ni verbal, emotional, o physical man. Kung mahal ka nyan dapat kahit galit siya di ka sasaktan in any way.

Đọc thêm

Kapag once na masaktan ng husband si wife, possible mauulit pa un. Pero naiintindihan kita kasi may mga anak ka na mag suffer sa paghihiwalay nyo. Wala naman po may gusto ng broken family. If nangako ang husband mo na magbabago sya, ikaw lang makaka pagsabi kung totoo un or hindi dahil mas kilala mo sya. But if ever bibigyan mo sya ng 2nd chance better na mag marriage counseling muna kayo. Lahat naman may right sa 2nd chances po.

Đọc thêm

Para sakin pag may nangyari na physical-an out na agad ako. Once na ginawa sayo baka ulitin na naman hanggang sa maging usual nalang ang pananakit kada pagaaway. Alam din ng asawa ko yan na once nasaktan na nya ako physically, wala na syang babalikan. Na trauma na ako sa ganyan ng mga magulang ko nung bata ako at ayokong dalhin din ng anak namin yung ganong trauma.

Đọc thêm

mommy para sakin lang po ah? try nyopo bigyan ng isa pang Chance talaga pero pag ginawa nya ulit yan yung mga ganyan wag na kayong magsabi na makikipag hiwalay kayo iwanan nyo nalang try nyo lang po muna bigyan ng isa pang Chance wala namang mawawala kung talagang mahal mopo

Same po😔😔pero di po nananakit asawa ko nasisigawan nya lang ako minsan dahil sa pagsusungit ko eh di ko naman po mapigilqn emosyon ko eh may dinadalang bata din po ako now kaya medyo maselan ako kaya minsan nasusungitan kodin sya😔

kapag po ba sinaktan kna nya, paulit ulit na nya gagawin? mayron po ba dito naging successful ulit ang famiy life? naawa rin po kasi ako sa dalawang bata, Kung lalaki na wla ang papa..

Wag na po, lalo na nasisigawan at namumura ka na pala nya noon pa. Tapos nagawa ka pa nyang saktan. Mauulit lang po yan tsaka mas lalo lang malala magagawa nya sayo

No. Ang saktan ka pisikal ay di na po yun tama. Mas magandang lumayo na lang kahit gaano kahirap na wala siya. Wag kayo mag sasacrifice sa katulad nya.

give him another chance pero magpalipas ka muna this time. tsaka mo na sya pansinin kapag lumipas na at napagtanto nya na sa sarili nya mali nya.