6 Các câu trả lời

Ang hirap nga naman ng pinagdadaanan ng manganganak.ako simula kahapon pa hilab ng puson ko,likod at balakang napakasakit.parang binubunggo ni baby yung ulo nya sa pwerta ko.pati hibla ng buhok ko masakit kaya wala ng suklay suklay.dna makatulog, exhausted na.dpa ako pumupunta sa hospital kasi alam kung pauuwiin din.dpa enough yung pag dilate ng cervix.

sakin po open cervix na Kaya nag spotting ako 3cm na pasulpot sulpot ung sakit nag pacheckup na ako Sabi sakin Hindi pa active labor . saka daw po ako punta sa Hospital Pag pumutok panubigan ko ar mag active labor na ako . waiting na Lang mag active labor ...

ako po 1 week stock 3 cm kahapon humilab tyan ko tuloy tuloy..Hindi masyadong ramdam parang napupu Lang..Pag dating sa ER 8 cm na agad. Pag tataas sa delivery room 10cm na . 10:37 pm baby out .🥰 Sana kayo din makaraos na kahapon ako nanganak 🥰

may nakasabay din ako nagpacheckup na nahilab tiyan nya pero hindi pa nya kabuwanan kase 36 weeks palang din sya ang sabi niya hihingi lang daw sila gamot pampawala ng hilab ayon niresetahan siya ng ob.

ganyan po ako nong nanganak may spotting ng dugo pag ihi ko yun pala open na cervix ko tapos sunod pumutok panubigan ko.37 weeks and 4 days ako nanganak

Any type of blood discharge is not good. Either contact your OB or go to the ER. Namention mo ba dinudugo ka sa doctor nung nagpacheck ka?

namention ko naman po kaso ang sabi niya pag tuloy tuloy yung pagdurugo tsaka spotting lang daw kasi. hindi kasi siya yung ob na tumitingin sakin, gynecologist po iyon nagcs kasi ung doctor na nagchecheck sakin, public hospital kasi yun kaya sabi niya balik napang daw pag tuloy tuloy na. sa ngayon naman tumigil ulit spotting ko at normal ulit pakiramdam ko pati si baby makulit talaga. hindi ko lang maintindihan bakit ganito matagal po ba talaga bago manganak po?

Mi baka nag open na cervix mo. Anytime yan lalabas na si bb

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan