Stressed ☹️
Stressed na po ako sa mother in law ko. ☹️ Lagi po parang kontra. Kapag nalaman nya price ng mga check up at gamot oarang lagi nanghihinyang. Eh hindi naman po ako saknya humihingi. Tapos kalahati pa ng sahod ng anak nya saknya. ☹️ Parang kinokontrol nya kami. Naka ilang ob ako kasi pinalipat ako. Dahil mas magaling daw dun ganyan ganito. Sinusunod ko para wala syang masabi. Ngyon umaga naman sabi nya papa inject nya ako anti tetanus. Wala pa naman po advice ob ko. Lagi nangunguna kung ano gagawin ko. Tinanong kung magkano hinihulog ko sa sss. Bat daw ang laki ganito ganyan voluntary ka lang naman. Hindi naman po ako nanghihingi. ☹️ Hindi ko malabas sama ng loob ko sa anak nya kaya ginagawa ko umuuwi ako sa lola ko. Nagagawa ko kung ano gusto ko. Ayaw din kasi bumukod kami. Ayaw nya mahiwalay anak nya saknya. ☹️ Hindi ko magawa mga gusto ko. Hay nako. Nakaka stress. Pero mabait naman po siya at maalaga. Ang ayaw ko lang kinokontrol nya kami. ☹️