Dissappointed sa OB

Sorry po sa post ko... Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob... 38wks preggy na po ako bukas..Sept 20 pa po due ko...1st baby last check up ko, aug.24 nagshoot up ang bp ko to 130/100 so pinainom ako ng OB ko almodet which is ginawa ko naman...kahit wala syang sinabi sakin na kahit anong pwedeng gawin ko para nd tumaas bp ko nagkusa akong magdiet at mas maging conscious sa mga kinakain ko, pagtulog at pag eexercise.. kanina pagpasok ko palang sa room nya ang dating ay need ko na agad magpaCS dahil sa bp ko...wala man lang kahit anong test o check up....pinatawag nya asawa ko sa labas at sinabihan kami na refuse management daw kami at need naming pumirma ng waiver para me panghawakan daw sya in case of emergency kasi sabi ko ayaw ko sanang mcs..matigas daw ulo ko, at wala daw syang liability na in case na me mangyare... wag na daw kaming bumalik kung ayaw namin...hanggang ngaun nalang daw ung liability nya... napaiyak na lang ako habang ganun mga sinasabi nya... tinanong ko sya ulit anong pwedeng gawin para nd na tumaas bp ko wala padin syang sinabi...pinatuloy nya lang aldomet plus catapress..pero pinapabalik nya ko sa wed para sa BTS ultrasound daw....para po kasing ang dating bahala na kami,wala syang liability at magpaCs na agad ako.... Nadisappoint po talaga ako,parang nagkamali ako ng OB na pinili...nd ko maramdaman ung care at nd nya ko binibigyan ng options... Pumirma nalang po kaming mag asawa sa waiver nya at umalis akong iyak padin ng iyak ng lumabas ng room nya... Nakakadisappoint po talaga..😢😢😢😢

Dissappointed sa OB
74 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Mas okay na po scheduled CS kesa naman trial labor tapos mauuwi lang din kayo sa emergency CS. Doble gastos at hirap kayo. Maybe pangit lng ang pagkakasabi ng OB nyo. If you want, pwede naman kayo magpa-second opinion

Mommy, sundin mo po si OB. Delikado po talaga kasi kung mataas ng bp mo. Same ng mama ko, ntumaas bp nya habang nangangabak kaya naemergency cs sya. Nag iibgat lang din ubg OB mo momsh,. para sajnyo din ni baby mo yan

ganyan din po nangyari sa kasabayan ko mag pa check up sa fabella Basta po mataas ang bp need po tlaga Yun delikado po talaga KC iniiwasan nila mag pre clamcia. delikado DAW po tlaga pag mataas ang bp Ng buntis.

wag ka po ma stress mamsh.. nakakasama po yan.. baka lalo tumaas bp mo.. safe naman po ang methyldopa.. exercise and diet na lng po.. lipat kn lng po ng public kung kaya nyo po.. hospital na po kau magpa check up

4y trước

aay grabe nmang OB un.. anyways po mami.. lipat na lng po kau ibang hospital.. basta dala nyo po mga records nyo

hi mommy,naiintindahn ko po nararamdamn mo,gnyan nangyari sa akin dati..d pa po kc aware kung anu ang preeclampsia!concern lng po c OB sa inyo ni baby,anytime kc pwede ka mag seizure f dka i CS agad.

mas safe Ang Cs sa mataas Ang bp di nya namn sasabihin un Kung di tama.... KAYA chinicheck up Tayo buwan buwan para Alam nila history natin tapos nagdedecide sila Kung ano dapat

Pero desisyon mo po yan,if magpalit ka ng ob,nagpala totoo lang po siguro ob nyo,syempre bandang huli ayaw di nila sila sisihin kahit sinabihan na nila patient sa dapat gawin,

Thành viên VIP

hello mommy is this your 1st baby your suffering kasi Pre-eclampsia alam ko mommy kapag ganyan bawal ka kasi maglabor kaya siguro inaadvise na ni OB na magpaelective cs kana.

Mas safe po kac pag cs, lalot antaas po ng bp nyo.. Tsaka 38 wks kana rin po.. Pra din po sainyo yan ti.. Delikado po kac pag nglabour pa kau tapos ganyan ung bp nyo.. 😊

ako po ngyun 34 weeks, umiinom ako aldomet 2tablet every 8hrs, wala naman po sinasabi si OB ko na need n agad i CS, monitor ko lang daw bp ko, as of now bp ko po nag 190/110 pa.

4y trước

pangalawa na mamsh, hindi mamsh, karaniwan kong bp nung di ako buntis 90/70