Dissappointed sa OB

Sorry po sa post ko... Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob... 38wks preggy na po ako bukas..Sept 20 pa po due ko...1st baby last check up ko, aug.24 nagshoot up ang bp ko to 130/100 so pinainom ako ng OB ko almodet which is ginawa ko naman...kahit wala syang sinabi sakin na kahit anong pwedeng gawin ko para nd tumaas bp ko nagkusa akong magdiet at mas maging conscious sa mga kinakain ko, pagtulog at pag eexercise.. kanina pagpasok ko palang sa room nya ang dating ay need ko na agad magpaCS dahil sa bp ko...wala man lang kahit anong test o check up....pinatawag nya asawa ko sa labas at sinabihan kami na refuse management daw kami at need naming pumirma ng waiver para me panghawakan daw sya in case of emergency kasi sabi ko ayaw ko sanang mcs..matigas daw ulo ko, at wala daw syang liability na in case na me mangyare... wag na daw kaming bumalik kung ayaw namin...hanggang ngaun nalang daw ung liability nya... napaiyak na lang ako habang ganun mga sinasabi nya... tinanong ko sya ulit anong pwedeng gawin para nd na tumaas bp ko wala padin syang sinabi...pinatuloy nya lang aldomet plus catapress..pero pinapabalik nya ko sa wed para sa BTS ultrasound daw....para po kasing ang dating bahala na kami,wala syang liability at magpaCs na agad ako.... Nadisappoint po talaga ako,parang nagkamali ako ng OB na pinili...nd ko maramdaman ung care at nd nya ko binibigyan ng options... Pumirma nalang po kaming mag asawa sa waiver nya at umalis akong iyak padin ng iyak ng lumabas ng room nya... Nakakadisappoint po talaga..😢😢😢😢

74 Các câu trả lời

hello mga mommy tanong ko lang po 7 days straight yung pagsusuka ko buntis po ba ako? hindi pa ako nagtake nang pt mag 2 week pa nung may nangyari samin ng bf ko..

baka ikaw yata positive sa covid... wala naman ako sinabi mataas lagnat ko.. ang bastos mo yata..

VIP Member

..lipat nlng po kau or 2nd opinion,mali dn nmn ksi gnawa ng ob muh na ndi mnlng ng'explain sau,dpt mei knowledge prin kau kung ano ngyayare at gagawin sau,

May dahilan ang lahat sis at makakaraos din kayo ng baby mo :) Wag ka na masyadong ma stress out nakakasama sa inyo ni baby yan.

Delikado po kase ang highblood pag labor time na concern Lang po c ob nio magpa second opinion po Kayo Good luck sa delivery.

Kawawa ob mo pgka gnyN..kung ma preeclampsia ka xa msisi kc ayaw mo. Pa cs.. Pg mtaas tlga BP cs yn. Mhirap yn inormal..

pre eclapmsia po yan. pwede mo yun ikamatay. ganyan nangyari sa hipag ni hubby. nawalam ng.malay kasi tumaas bp during labor

ang arte naman nito. napacomment tuloy ako... mas magaling pa sa ob tas pag may nangyari maninisi. hay naku.

delikado kase mamsh pag mtaas ang bp pwede anytime mwalan ng heartbeat si baby mo. kaya cguro gusto ka nyang i cs agad..

VIP Member

Just follow your OB nalang sis. Mas alam nila kasi yan. Delikado yan sa preeclampsia baka mapanu pa kayo ng baby mo.

Nagkamali ob mo na ipagmalasakit ka. Daming nagmamagaling kaysa sa ob nila dala ng kaignorantehan. Ewan ko sayo te

Câu hỏi phổ biến