Dissappointed sa OB

Sorry po sa post ko... Gusto ko lang pong maglabas ng sama ng loob... 38wks preggy na po ako bukas..Sept 20 pa po due ko...1st baby last check up ko, aug.24 nagshoot up ang bp ko to 130/100 so pinainom ako ng OB ko almodet which is ginawa ko naman...kahit wala syang sinabi sakin na kahit anong pwedeng gawin ko para nd tumaas bp ko nagkusa akong magdiet at mas maging conscious sa mga kinakain ko, pagtulog at pag eexercise.. kanina pagpasok ko palang sa room nya ang dating ay need ko na agad magpaCS dahil sa bp ko...wala man lang kahit anong test o check up....pinatawag nya asawa ko sa labas at sinabihan kami na refuse management daw kami at need naming pumirma ng waiver para me panghawakan daw sya in case of emergency kasi sabi ko ayaw ko sanang mcs..matigas daw ulo ko, at wala daw syang liability na in case na me mangyare... wag na daw kaming bumalik kung ayaw namin...hanggang ngaun nalang daw ung liability nya... napaiyak na lang ako habang ganun mga sinasabi nya... tinanong ko sya ulit anong pwedeng gawin para nd na tumaas bp ko wala padin syang sinabi...pinatuloy nya lang aldomet plus catapress..pero pinapabalik nya ko sa wed para sa BTS ultrasound daw....para po kasing ang dating bahala na kami,wala syang liability at magpaCs na agad ako.... Nadisappoint po talaga ako,parang nagkamali ako ng OB na pinili...nd ko maramdaman ung care at nd nya ko binibigyan ng options... Pumirma nalang po kaming mag asawa sa waiver nya at umalis akong iyak padin ng iyak ng lumabas ng room nya... Nakakadisappoint po talaga..😢😢😢😢

74 Các câu trả lời

Sis follow mo nalang instruction ni ob sayo.. Buti nga nag suggest na sya sayo ng ganun ei Di katulad sakin...sinabi ko sa sarili ko kahit anong mangyari maiinonormal ko...hanggang sa manganganak na ko tumataas ang bp ko..pero before pa tumataas na talaga bp ko..wala sya advise na need ko magpa cs..ang ending namatay baby ko kase pag mataas pala dugo ni momy hbang nanganganak..humihina naman ang oxygen ni baby sa loob...sobrang hirap sis...kaya ngaun..kung need talaga ics ...magpapacs na talaga ako..para na rin kay baby...kaya mo yan sis..wag ka na umiyak..balewala ang sakit pag nakita mo na c baby at nakasama

Better to listen sa ob mo nlng mamsh, siguro tariray si ob mo the way ng pagkakasabe sayo which is nkksakit sating mga buntis..pero mas gusto nya yung safe kayo ng baby kasi totoo nga naman sya mananagot kapag may nangyre sa enyu..sya yung ob mo sya nakakaalam ng dapat at di dapat.. 38weeks kana kasi kaya ganyan agad decision nya anytime pwede kana manganak..and lahat ng mataas bp via CS talaga.. wag kana magworry pray ka nlng na makaraos ka at maging safe kayo prehas ni baby...mas importante nmn sa lahat yung makita mong safe kayo ng anak mo.. goodluck mamsh❤️

Keep safe mommy. Better if sundin mo nlng po ang advice ni ob kasi po mas alam nya ang mga conditions ng pregnant woman. 38weeks kana din po kasi at full term na si baby kaya siguro hindi na nya kayo mabigyan ng other options, anytime soon kasi pwede ka na po manganak. Cguro kung di kapa full term, mabibigyan ka pa nya ng other options. Wag mo nlng po masamain at wag masyado dibdibin. Delikado kasi mataas bp bago manganak, may lead to pre eclampsia. Better to be safe po than sorry. Isipin mo nlng po mommy iniingatan lang kayong dalawa ni baby 😊

delikado sis kasi 38 weeks kana anytime pwede ka mag labor kaya advice na emergency cs kana sana... wala na po tayo magagawa kahit ayaw man naten... hindi madali habulin ang mataas na BP... better safe than sorry... elective cs din ako soon kahit ayaw ko... dahil sobrang mahal wala na akong magagawa dun para safe kami ni baby... kaya lang medyo harsh cguru talaga pagkasabi sayo kaya ganun... meron talaga ganyan doctor... kaya ako lumipat ako sa ibang doctor... ok naman sya ngayun...

FTM here din. Nung nagpacheck up ako nung 38th week ko, sinabihan na ko na 3cm na ko non and advised ng OB na magpa admit na. Nung naglalabor ako hindi na nag improve from 5cm yung cervix ko and nagshoot up na BP ko. Inadvise na ko ng OB ko na direct CS na kami kasi delikado pareho samin ni baby yung sitwasyon. Ako din momsh gusto ko din naman na normal delivery pero syempre need natin unahin safety ni baby. Medyo late na din if magpalit ka pa ng OB. Have a safe delivery po

Momsh makinig k sknya ksi risk case yang sayo same as mine. Ganyan dn bp ko nag aldomet dn ako nag aspirin p nga ako pero ganun pdin. Kaya cs ako. Ps* pero kinausap ako ng maayos ng oby ko, at nagtry pdin kme n sna ey mainormal nag turok sla pampahilab saken twice saka nung sinasalpak s pwerta. Pero believe her (your oby) para sayo din yan lalo nasa baby mo. Ksi sya ang malalagay sa alanganin. Godbless! Have a safe delivery! ❤️ PRAY LANG

mummy, wag ka na mastress ha. andyan ka na kasi and hindi madaling lumipat dahil sa situation natin. valid ang feelings mo at may mga OB talagang ganoon, kaya lang malapit ka na eh. konting tiis na lang ang mahalaga mailabas mo si baby ng safe at ikaw din. pre eclampsia is very dangerous na pupwede mong ikamatay. ipagpray mo heart ni OB to show you some care and yourself too na kumalma at maiwas sa pagdaramdam for baby. Mag iingat ka po. :)

sis relax ka lang po kasi ganun nangyare sa kasabayan ko sa hospital though sya naman kasi ayaw magtahan kasi masakit daw kaya tumaas bp nya. pinaparelax sya nubg doctor ayaw nya marelax kaya na cs na din sya. mali lang yung way of approach nya pero she has the point naman considering na mukha namang relax and no worries ka kaso kusang tumataas bp mo po try to check every 5 hours na lang po kung tumataas pa din bp mo🙏

VIP Member

Delikado po kasi kapag naglabor kayo tas tumaas ang BP mommy. Kasi ako po tumaas BP ko habang naglilabor tas napunta na po sa Eclampsia. Naemergency CS po ako. Pero wala po akong history na tumaas ang BP habang nagbubuntis. Delikado po sa inyo ni baby. Ako nga po nagseizure po ng dalawang beses habang naglilabor tas sobrang taas din ng BP ko. Tas nastress na din si baby sa loob.

Hi Mommy, nakita ko yong reply mo somewhere sa isang post. Mataas na pala talaga BP mo simula nung 36 weeks ka and I think wala na din time para sa ganito. Nasaktan kalang lang sa approach ng OB mo kaya medyo nag damdam ka, pero matanong ko lang kung bakit ayaw mo ma CS if ever? Kung mag hahanap kapa ng ibang OB baka mahirapan ka ng makahanap ng may tatanggap sayo.

Câu hỏi phổ biến