6 Các câu trả lời

Ako nung 1st trimester ko nainuman ko ng bioflu ang lagnat ko💀 Hindi ko pa kasi alam na buntis ako mga around 8weeks na ako nun haha irregular kasi period ko kaya hindi ko expect na makakabuo kami after 10yrs. namin ni Lip🥺 tagal na kasi namin nagdedecide magbaby nasa 3yrs. palang kami para sana maabutan pa ng mama nyang may kanser sa dede kaso hindi kami binigyan noon😭 kaya nawalan nako ng pag asa kaya nung pinilit ako mag pt ng mama ko dun ko nalaman na buntis pala ako🥹 nainuman ko pa ng bioflu buti nalang walang nangyaring masama kay baby huhu matagal namin inintay to ngayon 6months na kami at napaka likot na talaga nya goods din mga ultrasound at cas namin kaya mapapa thank you lord ka nalang talaga😊🙏

Godbless mami Cess. 🙏

indi namn ata maaapektuhan ang baby Mummy...ako nga nilagnat na nagkacovid pa..no vaccine...pero ng lumabas baby ko healthy nmn siya...di din siya masakitin malakas din kumain...1year and 6months na siya ngayon..pero ako noon never ako uminom ng kahit anong gamot...water theraphy lang ako..kahit wala akong panlasa kain parin ako.

Hi mumsh! thank you for sharing. nawawala ang pag aalala ko dahil sa shinare mo. Happy to know na healthy si baby. ❤️

Same, worry din ako. Nilagnat naman ako dahil sa sipon gawa ng pabago bagong panahon ngayon, tapos sa kagustuhang gumaling agad ininuman ko ng biogesic at benadryl. Nag search naman ako at okay naman daw yun. Mga 4days ako nag inom ng gamot. Sana ok lang si baby.

praying na okay lang din si baby mo. Biogesic din nireseta sakin ng OB. Benadryl not really sure pero kung based naman sa research mo na safe sya go lang. Pero mas maganda pa rin po siguro na prescribed ng OB para panatag tayo.

hipag ko po nilagnat, nadulas pa nga po yun pero ok n ok ang baby nya malusog n malusog po ang baby pero dun s bunso ko 1 day lang ako nilagnat nagkaroon n agad xa ng infection sa dugo noon pinanganak ko at sana d2 sa baby ko ngaun sana malusog din xa

yes po 1 week po nag antibiotic baby ko noon kaht umuwi na po kami s bahay may itinuturok pa po s knya, kumuha lang po kami ng nurse na pwede pumunta sa bahay para magturok sa kanya after po ng 1 week n turukan ok n po ang anak ko, 11 years old n po xa ngaun, malusog at napakalaking bata

Wag ka masyado ma-stress mii,tama lang ginawa mo na nagpa-check up ka agad. Ako nagka-trangkaso din nung 1st tri,biogesic lang din ininom ko. 8months na ko ngayon,oks nman ultrasound ko.

Nilagnat din po ako. Currently 7mos. Tapos sa CAS ko okay si baby. normal lahat. Dont over think po. Basta may maramdaman po kayo, wag kayo makinig sa sabi sabi. Dretso kayo sa OB nyo agad.

thank you mommy! ❤️

Câu hỏi phổ biến