Sometimes I get so frustrated will all the bills we have to pay tapos one income household lang kami. Minsan nakakadown na di ako nakakacontribute financially. Di ako makatulog sa gabi kakaisip paano ba ako makakapagwork with 2 kids na kailangan ko din tutukan. A four year old na nagaaral na and a 2year old na kailangan na din turuan ng basic. I have to cook, clean the house, do the laundry, attend to my kids and husband.
Naiisip ko ganito lang ba ako. Minsan feeling ko kasambahay lang ako pero syempre hindi naman totoo un (pag lang talaga sobrang down kung ano anong negativities ang pumapasok sa isip ko). My husband always tells me na hindi nila kaya kung wala ako. Na hindi totoo na hindi ako nakakacontribute kasi malaki ang ambag ko para mabawasan ang gastos. Ebf ang parehong anak ko. Awat na sa diaper ung isa while ung isa e cloth diapers ang gamit. Di namin kailangan kumuha kasambahay kasi ako ung nagaalaga sa kanila.
We are actually blessed na kaya namin ang mga bayarin kahit na isa lang si husband na nagwowork. Na I can stay at home to look after our children. Wala pa kaming sariling bahay, walang ipon pero ang daming pwedeng ipagpasalamat dahil sa kabila ng lahat ay hindi kami nagkakasakit lalo na ang mga bata. Kumakain kami ng enough, may bubong nasisilungan. Kumportable naman ang buhay.
Sometimes we fail to appreciate what we have because we tend to focus on what we dont have. Malaking factor din ang social media for that kasi madami tayong nakikita na meron ang iba na wala naman tayo. Nakakadagdag sa frustrations lang.
Sa mga moms out there na pinanghihinaan ng loob kaya nyo yan. Kaya natin to! We are always stronger than what we think we are. Walang di kakayanin para sa anak. We might not be perfect but we are enough😊
#wonderwomom