Stress

Can someone please motivate me or cheer me up. 18 years old ako and i'm 5 months preggy. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko. Di ko maamin sa pamilya ko na buntis ako kase ako na lang inaasahan nila na makakapagtapos mataas yung expectation nila saken. Tapos yung bf ko walang trabaho pero graduated na sya ng college. 4 years gap namen ayaw ng parents ko sa kanya kaya sobrang hirap ako sa pagamin. Di ko alam kung paano ko sisimulan at paano ako magsasabe. ??? Need ko ng kausap ngayon mga mommy. Give me advice.

68 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ako 2 months na tyan ko nung nasabi ko sa parents ko. Takot na takot talaga ako magsabi nuon. Then ginawa namin ni lip ko after check up and ultrasound umuwi ako sa bahay kasama sya at duon namin sinabi. Sobrang sama ng loob ng tatay ko nuon kasi unica ija ako at bunso pa. Galit na galit non samin tatay ko, kaya ginawa ko sumama muna ko sa lip ko at don nagpalipas ng sama ng loob ng tatay ko then ilang araw lang tumatawag sila at pinapauwi na ko. nahimasmasan na daw tatay ko. yun ngayon tuwang tuwa sya sa apo nya. 😊

Đọc thêm