Stress

Can someone please motivate me or cheer me up. 18 years old ako and i'm 5 months preggy. Sobrang hirap ng pinagdadaanan ko. Di ko maamin sa pamilya ko na buntis ako kase ako na lang inaasahan nila na makakapagtapos mataas yung expectation nila saken. Tapos yung bf ko walang trabaho pero graduated na sya ng college. 4 years gap namen ayaw ng parents ko sa kanya kaya sobrang hirap ako sa pagamin. Di ko alam kung paano ko sisimulan at paano ako magsasabe. ??? Need ko ng kausap ngayon mga mommy. Give me advice.

68 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ganyan din ako kakabado nun. Only child ako at isang sem nalang sana ako sa college ggraduate nako, pero bigla ko nalamang buntis ako. Nung una hesitant pako kasi faint yung lumalabas na linya sa pregnancy test. Pero 6 weeks palang, napagdesisyunan ko na sabihin sa mama ko agad. Nagulat lang sya. At alam ko nung gabing yun umiyak sya nang hindi ko alam. Ang bigat sa pakiramdam. Pero agad agad niya akong pinacheck up. And ayun positive nga. Naniniwala akong may dahilan ang mga pagsubok na dumarating sa buhay natin. Basta't lagi lang tayo maging positibo. At laging isipin ang kapakanan ng dinadala mo. Sa una siguro iba ang magiging reaksyon ng mga magulang mo, pero mangingibabaw at mangingibabaw parin ang kanilang pagmamahal para sayo. -20 years old/31 weeks pregnant ☺️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Nakakastress talaga be pero isipin mo din si Baby alam nya kapag malungkot. Tulad ng sinabi ko sa ibang mommies dito na much better na ipaalam mo na sa parents mo yung case. Mas okay yung may guide ka. Bata ka pa din. Kailangan mo ng suporta ng magulang mo not just in financial but also in mental support. Yes, madidisappoint sila pero sa una lang pagdating ng ilang araw mas excited pa sayo yan. Mataas din expectations nila sakin pero kung ako sayo bumawi sa ibang bagay. Tulad ng sinabi mo napasok ka pa, galingan at sipagan mo pumasok sikapin mo makapagtapos. Promise pag natupad mo yan sobrang luwag sa pakiramdam sis. Baka lalo magalit magulang mo sayo pag hindi mo agad sinabi. Kausapin mo din bf mo kasi di habang buhay ganyan sya. Kawawa kayo pag hindi siya kumilos lalo na baby mo.

Đọc thêm

Ang unang unang aalalay sayo is your family, so better tell them kahit ano pa mangyari. ako 7 months na ng sinabi ko sa kanila. nagtampo sila kase bakit ko daw tinago ng ganun katagal dapat daw sinabi ko kagad atleast natulungan nila ako at mas naalagaan. i was expecting them na magagalit sakin kase mataas din expectations nila sakin. nag iyakan kami kase syempre nagtampo sila. but then I said sorry and syempre I made sure na tutuparin ko parin promise ko na maka graduate. so they accepted me, my baby and my hubby. natural na matatakot kang umamin sa kanila, ganyan din ako, but narealize ko na habang tumatagal, lalong mas magagalit sila. so better tell them :D no worries sa una lang sila magagalit but they'll accept you and the baby for sure.

Đọc thêm

Nung nag buntis ako sa 1st baby ko, almost same situation, ayaw ng parents ko especially my mom sa bf ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kasi mataas ang expectations nila sken. Sa una magagalit, madidissapoint pero I accept mo lang mommy ang galit nila, sooner or later maiintindihan ka nila at mas maiisip nila na mas kailangan ka nila especially sa ganyan sitwasyon, kausapin mo si bf na mag hanap na ng work to support you and your baby. Para naman kahit pa paano makampante ang parents mo na hindi ka naman papabayaan ng bf mo. Yun lang naman ang gusto ng mga parents, ang makita nila ang anak nila na sa maayos na sitwasyon. :) huwag ka ma stressed mommy. Maapektuhan ang baby mo.

Đọc thêm

We cant sugar coat words for you dear to feel better but life goes on. Harsh Truth....I’d say, you need to be smart next time, always use contraceptives if ur sexually active. Mahirap talaga pinag dadaanan mo because of ur troubles and all I can say is, make your baby as your motivation in life. At the end of the day, your parents will accept the baby kasi apo nila yan eh. Although, ma disappoint talaga sila sa start. Pagdaanan mo nalang ang problema na ito, no amount of motivational words can help you if you cant help yourself. Cheer up always, ganyan talaga ang life wether u like it or not. Like they said, Everything happens for a reason.

Đọc thêm

Hi. Sabihin mo na sa parents mo habang maaga pa. Para aware sila at maalagaan ka din nila. Magiging proud din sila sayo soon and proud Grandparents ❤ At pwede mo naman tapusin pag aaral mo. Blessing yan na baby. God's gift. I'm 8 weeks pregnant now. Sinabi ko agad sa parents ko kasi lagi nila ako inuutosan maglinis. Like lampaso ng sahig. Umiiyak din ako nung sinabi ko kela papa pero hindi ako pinagalitan, sabi pa ng papa ko. God's gift itong dinadala ko. At kaka break lang namin ng boyfriend ko nun. Pero ayun. Nagkabalikan kami at binigyan ko siya ng chance para na rin sa baby at sa magiging pamilya namin ❤❤ Pray always dear! 😘

Đọc thêm
6y trước

At nung nalaman nila na buntis ako. Alagang alaga na ako nila. Binibili ako lagi ng prutas ng papa ko at pinagbabalat ng prutas ni mama. Hehe. Be strong lang momsh. Okay? God is good all the time! Pray 🤰🤰❤❤

Hi ate wala akong advice na maipapayo sayo kasi parehas tayo ng pinagdadaanan although I'm already 22 yrs old kaso graduating pa lang this sem.. 5 months preggy din ako and hindi padin halata sa akin na buntis ako.. Only child ako kaya pakiramdam ko sobrang magagalit sa akin.. Hinihintay ko na mahalata ng mommy ko para pag nagtanong siya, sasagutin ko nalang kesa sa ako magsasabi ng "mommy may sasabihin ako sayo" sobrang hirap hehhe pero naeexcite ako sa baby ko.. Pinagpepray ko na sana lagpasan ko na yung pag amin ko sa mommy ko.. Hayaan mo isasama din kita sa prayers ko para magka peace of mind na tayo.. Goodluck sainyo ng baby mo :)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Magsabi kana sis lalo na't 5 mos na pala si baby kawawa naman sya kung tinatago mo. Matatanggap din yan nila. Nung ako nga baligtad ginawa ko nagsabi ako kay mama na mag-aasawa na, nagalit sya sakin nagmamadali daw ako ibang ka age ko daw mas iniisip tumulong sa magulang kesa mag-asawa. Pero nung inexplain ko sknya na may PCOS ako at yun ang pnka reason bakit gusto na namin magsettle, yung takot ko na baka hindi na magka baby. Naintindihan ni mama. Nagsama kami ni hubby after 4mos nabuntis na ako :) si mama nagguide sakin sa mga foods na dapat ko iwasan, gumigising sakin sa umaga para mag almusal. :)

Đọc thêm

na experience ko din Yan sis, pero not the same situation. ako Naman paalis na going abroad Nung nalaman ko na pregnant ako, ako din inaasahan samin. nilakasan ko nalang loob ko na sabhin sakanila nag sorry and talagang nagiyakan kami. pero mapagpatawad ang magulang natin maggagalit sila pero iintindihin ka pa rin. wag ka mag alala sis ipaliwanag mo Lang na kahit mag Kaka baby / family kna makakatulong ka pa rin. everything will be okay, blessing Yan si baby. Good luck sis kaya mo Yan. God bless. 39 weeks preggy here. malapit na dn lumabas si baby hehe.. excited na.

Đọc thêm
Thành viên VIP

lahat tayo nadaan sa iba't ibang pag subok po. at yang pag subok pong yan ay isa lamang sa pag dadaanan nyo. sabi nga po nila andyn na. harapin po ntn, pra bndang huli di na po kayo preperahs mahrapan. kahit namn buntis pwde parin nmn natn ma achieve expectations nila. bsta wala ka pong inaapakang tao. samahan nyo lang din po lagi ng prayers. 🙂😍💓❤ and maging positibo lagi. bandang huli utay utay sa tamng panahon magging ok dn po ang laaht. if need nyo po kausap, im here po. dont hesitate turing nyo nlng po akong mtagal n kaibgn. thank you Godbless🙂

Đọc thêm