Solong anak ako at single mom naman ang mom ko. Yung Bf ko naman bunso at single mom din ang mama nya.
Noong una na Makita ko na positive ang PT Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko non. Halo halong emosyon , pakiramdam ko na wasak na ko , sira na kinabukasan ko.
Noong nalaman ni mama , bf ko ang nagsabe sakanya thru text hindi nagalit ang mama ko Ang sabi nya Lang 'buntis ka pala nak' ang kinagalit nya ay nong nalaman nya na nainuman ko si baby my cytotec.
Nalaman din yun ng mom ng bf ko na nainuman ko pero hindi na nila ko pinagalitan, mas pinaramdam nila sakin na blessing si baby.
May mga kaibigan ako na nawala dahil NABUNTIS ako , pinandidirihan siguro nila ko o kinakahiya dati dinidibdib ko pa , pero nong Lumabas si baby sobrang saya pala kahit na nakakapagod at grabeng puyat.
Siguro nga masyado pang maaga para magkaanak , pero ang importante naman may natutunan at patuloy pa rin na lalaban para makapagtapos ng pagaaral.
Sobrang saya kasi nakikita ko na sobrang saya ng mama ko , palagi syang excited umuwi para makita si baby ❤️
Yung epekto nga pala ng cytotec saken nagtae lang ako ?
Healthy naman si baby physically at mentally kasi okay naman ang Newborn screening nya.