51 Các câu trả lời
Mommy, I hope po na you can have him checked na ng pedia. Kasi very young pa talaga si baby mo po and may plema. Around that age po nagkaubo din ang baby ko, and hindi ko alam na bronchitis naraw pala until I had him checked sa pedia nya. Mahirap kasi mommy kapag maglead sya to other conditions like bronchitis or worse, pneumonia. Other than kawawa po si baby, mas lalaki rin ang gastos. Kayo parin naman mommy ang magdecide, just want you and your baby to be safe po :) And mas gagaan din po ang loob mo once mapacheck mo na sya and mabigyan sya ng treatment or gamot na dapat talaga sa kanya. Nauunawaan ko po ikaw sa budget, very iwas din po kami sa gastos. Pero worth it naman po kung para sa health ng babies natin. And nung inask ko ang pedia ni baby kung ano ang mga dapat bantayan sa pneumonia, kasi hindi daw palagi na may kasama itong lagnat, kahit raw ubo lang. Bantayan daw kung mabilis or nahihirapan huminga si baby. Godbless mommy! Pagpray ko po kayo ng little one mo. 😊
Momsh, feeling ko pO halak po yan, kung ang advice sa inyo ay padede lang ng padede means halak po yan. normal po yan sa newborn at padede lang po talaga advice ng mga doctors pag halak. ganyan din po sa firstborn ko, nakaka worry since wala pa akong alam, pero wag po kayong mag-alala, mawawala din po yan, follow nyo lang po advice ni Doc. saka kung gus2 nyo din po itry ung kadalasang pinapainom ng mga mommies d2 samin pag may halak si baby, ung dahon lang po ng ampalaya, wash with water, then soak it with hot water tapos pigain nyo nalang po ung katas na galing sa dahon, un po painom nyo kay baby. hndi po medically advisable un since breastmilk lang dpat nako-consume ng babies natin below 6 months, pero sa ibang mommies nakapag try na nun, effective naman daw.
Wag mag self medicate lalo na herbal NO NO po yan
hi mommy. eto po explanation ni ob at pedia namin bakit breastmilk ang sinuggest din nila kay baby namin. 2 weeks po nagkasipon na sya. ung breast kasi natin once nagtouch ang saliva ni baby, magsesend ng signal sa brain kung ano need ni baby. since may sipon po sya, ang ipapaproduce nyang milk sa glands ng breast natin, may antibodies para sa sipon. ganun po kaganda ang breastfeeding. mahirap po kasi na painumin si baby ng gamot at such young age. full time bf mom na din po ako pagka1 week ni baby. di ko na pinainom ung pinabili nila sa ospital nung nanganak ako. good thing din po na nailalabas ni baby ang plema. kahit po sa tin matatanda agad tayo gagaling kung nailalabas natin ang plema.
Mi pakidala po si baby sa pedia. mas maganda po kasi kung matignan sya personally. tho sa pic po, makikita madilaw na ung plema which is a good sign. meaning pahinog na. but as per pedia it doesnt mean na ok na talaga kasi what if congested ang baby? baka need nya isalinase or neb to assist their breathing. at the same time para ma check din lungs ni baby. tandaan mommy, mahina pa resistensya ng baby at nakakamatay sa kanila ang madaming plema. anyways, sa case ni baby ko nung inubo/sipon, ang binigay ay: - Humer (Nasal Spray; Salinase Drops will do) - Salbutamol Nebule - Disudrin (3 days pag ok na stop na; 5 days lang ang max na pwede sya ipainom) tuloy mo din breastfeeding mommy
Pa inumin mo Siya Lage Ng katas Ng malungay momshie, para Hindi na mahahawa sa may ubo at sipon..ganyan Kasi ginawa ko sa baby ko, 2 months siyang nag start uminom.. Hanggang ngayong 5 months na Siya Pina inom ko parin, kahit Wala siyang ubo at sipon..bali vitamins na niya yon..sa awa Ng dios Hindi na Siya nahahawa sa may ubo, sipon at lagnat..Basta sipagan mo lang na pa inumin Lage Ang baby mo..marami kasing benefits Ang malungay, makapa kinis Ng balat at makapa hair growth at marami pang iba..Yan lang Po Ang ma suggest ko, nasa inyo na Po yon kung susundin niyo o Hindi..
Pa checkup ka na po sa pedia for your peace of mind and para na din sa baby mo. Mahirap po patagalin yang ganyan. No offense sa ibang nanay dito ha pero wag kang maniwala sa iba na nagsasabi na di maganda na painumin ng gamot ang ganyang edad. Kung sa doktor ka naman kukonsulta, sa tingin mo bibigyan ka ng bagay na ikasasama ng anak mo? Mas maganda maagapan po yan kasi pag tumagal baka maging pneumonia yan (though wag naman sana). Sa halip na oral lang iinumin nya, baka maswero pa yung antibiotic. Kaya pa check nyo na please.
Malaking tulong ang ebf momsh.. Kung lumalabas ang plema ni baby mas ok.. Ibig sabihin lang po nun effective ang breast milk mo.. Mas delikado din kasi na painumin ang baby ng gamot sa ganyang age.. At tama po ang ibang mommies natin na makakatulong din po ang katas ng dahon ng ampalaya sa plema ni baby.. 😊 Monitor mo mommy kung same pa din ang ubo ni baby after 3days.. Pag ganun pa din po, ipa check up mo na sa pedia.
BIG NO PO SA AMPALAYA LALO NA AT WALA PA 1year old ...
Momsh mas mainam sa Pedia niyo talaga ipaconsult si baby.. wag tayo mag self medicate sa ganyan kaliit na baby.. EBF ang baby ko naniniwala ako na maganda talaga ang gatas ng Ina Pero sa ganyan case mommy mas maganda Pedia talaga ang mag reseta ng tamang gamot.. mahirap baka lumala yan mas kawawa si baby.. wag ka magpapainom ng kung anu2x herbal dyan bawal pa kahit ano intake sa baby below 6mos..
Wag po tayo mag self medicate mga mommies. Di pa kakayanin ang katas ng ampalaya ng tiyan nila. Di pa matured ang organs nila pala mahandle ang toxins ng katas ng ampalaya. Please careful tayo sa mga nirerecommend natin. 2 mos old palang ang iinom. Kung nag ok sa baby nyo yan, eh kumusta naman ang kawawa nilang organs? Baka mag cause ng long term effect sa kanila....
TruTh Baka bumaba biGLa ang dugo ni baby
BREASTFEED IS THE KEY! Ganan din 1st baby ko. nov ko sya inanak. tag lamig non. lagi sya nakamanoso. then pure breastfeed lang. wag ka makinig sa mga herbal. nasa huli pagsisisi. sa pedia ka makinig. lagi padighayin si baby pagkakadede kaht nakapikit na sya. wag ipitin tyan. taas lagi ulo kase baka pag lungad nya at di nyo napansin e malunod si baby. listen sa mga may pinag aralan (doctors)
Ruffa Mae Alpuerto