35 Các câu trả lời
Hello mamshie, we have the same situation as in the same except sa may baby kang 1yr old mas lala lng kunti sayo. pero as in same tayo, simula pandemic na wala trabaho partner mo. sa pag didiskarte pano magka pera, ang pag ML nya. as in! ang nakakainis pa nga sakin dati naninigarilyo pa yan. pagkagising sa umaga yan agad uunahin di man lng ako ipagluto muna. yung settle sana muna lahat ng kailangan ko bago sya mag hapong mag ML. Kasi palamunin na din kami dito that time SA TATAY nya, as in, mahirap sakin mag hanap ng pagkain kasi di ko teritoryo at di ko pag mamay ari nahihiya din ako sa tatay nya sa tuwing nasa labas. (magkaiba kami ng bahay pero iisa pagkainin) umaga palang naiiyak na ako kasi ang tagal nyang gumigising, tapos di mo sya agad magising kasi naiinis yan (mainiti ang ulo, mabilis nagagalit) construction worker din sya, madiskarte sana pero problema sakanya mabilis mag sawa at namimili ng trabaho. Pinapalusot nya di nya raw ako maiwan kasi di raw ako kumakain ng wasto. 💔 hanggang sa nanganak ako mamsh alam mong nakakahiya? pinilit nya akong humingi sa ate nyang nasa abroad na himingi ng 10k! pambayad sa panganganak ko. at alam mo mamsh, tiniiiiiiis ko ang sakit para lng takaga normal ang delivery ko. Para hindi kami makapag gasto ng sobrang mahal. instead hindi pwedi sa lying in ang first baby, talagang pinilit ko doon kami. Haaaay, nung panahon na ng payment naku mamshie AKO PA ANG NAGHANAP NG PAMBAYAD! Kasi ang sabi ng ate nya "Sa 9months imposibli di kayo nakapag ipon para sa panganganak ng asawa mo" which is ang sakit sa part ko. I talagang sobrang suffer ko pero all worth it nungkumabas na baby ko. at dun na sya naging maingat na, bumalik na syang maghanap ng trabaho. lagi na sya sweet saakin. alam mo nagawa ko mamshie bat sya nagkaganun? Nakipag usap ako ng mahinahon at maayos. umiyak ako st nagsorry. naawa siguro 😭😂 kaya ngayo pud after 1 month pa ako nakarecover sa sakit at iyakan. pero kahit ngayon umiiyak parin ako sa pinag dadaanan ko 😅 Kahit ngayon tumutulo luha ko 😘 Alam mo mamshie your worth it, your the hero your the strongest person. Don't ever look down to yourself dahil nagbigay ka ng buhay sa anak mo, as your responsibility it's your life. Always pray and always understand it will set your stress free. I I love you mamsh 😘😘❤❤❤
Try mo kausapin Momsh. Yung usapang mahinahon para naman ma absorb nya yung mga sasabihin mo. di naman pwd na laging ganyan. Nalulungkot ako pag may nababasa akong mga ganto ka pabayang ama. Sobrang swerte ko lng din sa lip ko kc nung nawalan sya ng trabaho dahil sa pandemic may na ipon naman sya konti, meron din ako at yun yung ginamit Kong pang puhunan mag tinda online ng Amahong at Ginamos. Sya din nag dedeliver kahit malayo at nilalakad lng, tapos nung balik operation na sya sa work nag dadala sya ng Ginamos sa trabaho at nag titinda kahit bawal, nag titinda din sya ng kape at cup Noodle dun ng patago. Diskarte lng Momsh ng Asawa, Sana lng di sya mag bago at sobrang swerte ko sakanya. Sana maisip ng Asawa mo na di biro mag dalang Tao tapos na tanggap ka pa ng labada, mas malaking problema kapag napa aga ang panganganak mo dahil sa stress at labada mo. Pray lng po, di kayo papabayaan ni papa God
Bakit sya mahihiya? sis pandemic ngayon wala ka dapat lulunuking pride. Kailangan nya talaga gumawa ng paraan kase kung hindi paano kayo?
momsh alam mo wag mo isiping ipaampon baby mo kasi wala siyang kinalaman sa kung ano mang nangyayare sa inyo ngayon, karapatan nating palakihin at buhayin yan. Kawawa si baby kasi wala syang kaalam alam gnyan ang iniisip mo🥺 Try mo kayang kausapin ng mabuti asawa mo kasi grabe naman po sana naisip niyang nahihirapan ka at wala na nga syang work sana by helping nalang sa mga diskarte mo dun nalang siya bumawi lalong lalo na sa pagbabantay ng isa niyo pang baby. mag usap kayo kung di siya makaintindi ipaunawa mo saknya lahat meron kasi talagang ganyang lalaki d marunong mag isip at makaramdam kaya nakakastress talaga yan mamsh lalo natapat ka sa ganyan. Keep fighting may awa si lord di niya kayo papabayaan ng babies mo. Pray ka lagi mamsh. ❤️
I agree to this. Mas okay na lang na ipaampon at mabigyan ng magandang buhay, kesa walang ipang suporta sa bata. Sana maeducate lahat sa Family Planning lalo na ngayon Pandemic, walang work, trabaho lang sa kama lol.
wag mo ibaling sa anak mo kng ano gagawn tulad ng ipaampon. ang idispatcha mo yang asawa mong tamad. yang baby mo pag lumaki yan for jan ako sure na mkakatulong yan syo pero yang asawa mo gang huli kng tamad yan gnyn na tlga yan. kaya kng meron kang aalisin lalo na kng wala nmang pakinabang yang asawa mo un dapat. alm nyang naglalabada ka dka man lang tulungan alm nman nyang buntis ka. di baleng hiwalayan at yan ang mawala sayo kesa ung anak mo na inire mo at ikaw naghrap. wag ka magtyaga momy jan sa asawa mo kng walang silbi. dmo kelangan ng ikakadagdag ng problema mo. focus ka sa anak mo kse pag nalagpasan mo yan mkakaraos kna kht pakonti konti lng.
Mommy inhale exhale muna po dapat po positive lagi tayo lalo na sa panahon ngyon magusap po kau ..nagusap na ba kau??? O inuna mo pa ipost dto problema mo? Kailangan po kaung 2 magusap pra malaman mo po qng anong solusyon or anong sagot sa mga problem mo gawin nyo po magaan ang lahat kc lahat po tau may problema at mas may malala pa po sa problema nyo yan lagi mo isipin kahit aq may pinagdadaanan pero never aq ngpost ng problem q dto kahit mabigat na asawa q muna knausap q at aun gumaan pakiramdam q kc may sagot nmn pla pinangungunahan q lang.. pray lang po kaya natin yan🙏🏻🙏🏻🙏🏻
Ang ML kasi, lalo na mga addict sa game, escape nila yan kasi dyan lang sila nakakaramdam ng sense of achievement. Honestly, kahit kausapin mo sya ng mahinahon, wala ring talab yun kung mahina ang utak and pang-unawa niya. Try mo pa rin kausapin, pwede rin tanungin mo sya anong plano niya para sa baby ninyo. Sabihin mo nahihiya ka na sa magulang mo, at kawawa naman mga anak ninyo. Basta wag pagalit. Sa taong mahina ang utak at makapal ang mukha, lalong di nakikinig pag sinigawan.
talk to your husband momi in a nice way Kong Anu plan niya sa family nio.Encourage him to work Kong Anu available job na meron ksi lumalaki na family nio,in times of need the only person na makahelp sa atin is our parent.Never mong iisipin ipaampon Ang baby Kong my option pa momi.konting tiis nlng as a mother mdaming sacrifice tayo from the start of carrying our baby in our womb.Kaya mo Yan momi...magpakatatag ka.pray and believe that God will sustain your needs.
swerte niyang asawa mo at mabait parents mo.. wala na nga trabaho di ka pa matulungan pag aalaga sa isang anak niyo.. Nkaka stress yang ganyan mamsh . kausapin mo ng masinsinan ano ba plano niya sa buhay niya . kaya nakaka bwisit yang ML na yan!buti nalang sakin di pwede paloko loko ng hubby ko 😂 Blessed ako at responsible siya. Call of Duty lang nilalaro,magkakampi pa kami. bawas stress 😂😂😂
Ganyan din LIP ko dati, nakaasa lang kami dati sa magulang ko tapos nung almost 8 months na akong buntis nakapasok siya sa construction, habang nagtatrabaho siya dun. minsan naliban siya para mag apply sa iba. Malaki din nagastos namin sa pag aapply niya . Pero sa awa ng Diyos, nakaanak na ako at almost 2 months na baby namin. 1st aider na siya sa ag&p ngayon 💟 adik din siya sa ML 😅
Hello mommy. Wag ka po sumuko, laban momsh. Try mong ibenta mga damit or nyo na hindi na ginagamit, mga preloved clothes mo or bags. Pwede kadin pong makipag-barter mommy. Pagsabihan mo ng bongga ang partner mo, kamo mahiya sya aba. Alam ko pong mahirap pero may pwede pa namang hanapan ng work partner mo. Long patience mommy. Wag mo ipa-ampon huhu, baka magsisi ka sa huli momsh. 🙏🏻
Azel Meshelemiah Sulitana