156 Các câu trả lời
ilang months na baby mo sis? Wag mo nalang silang pansinin. I've experienced that so many times. Nung pinanganak kasi baby ko ang puti nya. After 1 week nagstart sya umitim ng sobra. They should have known na nagbabago pa ng color and hitsura ang mga babies pag ganong age. Tapos ung kapitbahay namin tatawa tawa pa na sinasabi "tangos naman ng ilong ng parents nyan, pero sya pango". Yung isa pa naming kapitbahay nung sinabi nung tita ko na palawayan daw baby ko kasi baka mausog nya sagot nya "sinampal ko pa yan". Imagine, ang ganun kabata sasabihan na sasampalin. Anong kasalanan ng bata? I was hurt that time pero di ko pinansin lahat un kasi naisip ko siguro sobrang lungkot lang ng buhay nila kaya nasasabi nila ang ganun. Pero nung nag-3mos baby ko nagstart na maglighten skin color nya and nag-iba na din face nya. One time nagmamanicure ung kapitbahay namin na namintas sa baby ko, sa mismong harap nya daming ibang tao nagsasabi na ang gwapo gwapo ng anak ko habang sya nakayuko lang sya. God knows your pain. Time will come na itataas kayo ni God in front of their faces. And btw, ang cute cute kaya ng baby mo and ang lusog nya. Tsaka okay lang moreno basta basta makinis and naalagaan ng maayos si baby. Yun ang pinaka-importante.
Nakakastress talaga na may mga di magandang puna sa anak natin. Pero be strong po wag ka paapekto kasi ikaw lang ang magpapalakas ng self confidence ni baby. Cute cute nga nya eh. Yung nanay ko nga eh sinabihan anak ko na malaki daw bunganga yung first time hinayaan ko lang pero nasaktan ako ng konti pero nung 2nd time sabi ko 'wag ka nga maingay ma kung wla ka naman sasabihin na maganda' di naman sa kawalan ng respeto, pero gusto ako ipaalam sakanila na di nila pwedeng sabihan ang anak ko ng kung anu ano. Wala namang iba na magtatanggol sakanya kung di ako lang eh ksi si hubby mabait masyado😅 Lalo na siguro kung sa iba ako makarinig baka nalait lait ko din. Chura mo ganern😂
First time mom din ako, ganyan din naramdaman ko nung nilalait ung anak ko na maitim at pango ang masakit nga eh kamag anak mo pa talaga ang lalait, umiiyak na lang ako, pero natututo ako maging matapang ayokong nakakarinig pa na nilalait ang anak ko kase binabalik ko sakanila ung panlalait nila. Pero ngayon maputi na lo ko at kahit pango nag iiba itsura nya nagiging pogi na. Habang lumalaki anak naten nag iiba pa ang itsura nila ngayon sinasabe na mukang anak mayaman ang anak ko. Panis sila ngayon hahaha! Lakasan mo lang loob mo sis wala naman ibang piprotekta sa anak naten kundi tayo din na ina. ♥️
ang gwapo naman po ng baby mo mommy ah. anak ko ganan din negra daw pero nung ilang months na nanggigil na sila kase pumuti na at sobrang gigi lage nakasmile. ung anak ng hipag ko negro nung nilabas habang nalaki pumuti. kase nilait lait din talaga un. di lang nila nakikita ung nakikiga mo sa anak mo bolang parent ❤baka pag lumaki yan papurihan nila ay naku. wag sila magkaanak ng mas grabe sa panlalait nila goodluck sa kanila. be happy mommy ❤😘
yes tama gwapo o maganda sya para sa ating mga ina sila yung pinakamagandang nilalang sa paningin natin. patunay lang yan na kahit kamag anak o kadugo mo pa, iinsultuhin ka or di magiging masaya para sayo kaya dapat aral mo ang mga tao sa paligid mo dapat nga proud pa sila lag ingat sa mga tao na kala mo tumutulong o nakangiti sayo 😊 basta solid ang love sa circle nyo ni baby wag mo sila pansinin wala sila matutulong sayo 😊
Mamsh wag kang makinig sakanila mga wala lang yan magawa sa buhay at inggit lang yan sainyo ang pogi kaya ng anak mo and di siya maitim kung makapanglait pa sila jusko be proud at ang pogi ng anak mo sila kasi kahit anong ayos nila di sila nagmumukang disente charot nanglait din eh no 🤣 basta wag mong ikakahiya si baby sampalin mo sila ng pagiging proud mo dahil nanganak ka sa isang healthy baby boy ❤️
Sabi nga po nila, hindi dapat kinukumpara ang mga babies, wala pa silang kamuwang muwang, hindi nila deserved ang mga ganong panlalait, hayaan mo at babalik sa kanila yun.. baby girl ko nga kayumanggi ng pinanganak, nilalait din..pero ngayon pumuputi na sya, yung panganay ko kayumanggi din, pero talo sila sa itsura, mukhang indian, ganda ng mata, wala na silang masabi..
Same here.. Maitim din anak ko, pero pag sinasabihan sya ng ganun na maitim sya.. Dedma lang ako sa kanila.. Wala akong paki sa pang lalait nila.. As long as na Healthy ang baby ko at nd sya naoospital ok na ko dun. Wag mong pansinin mga ganyang tao sis. Mga WALANG MAGANDANG LALABAS SA MGA BIBIG NG MGA YAN, LALO KUNG PANGET ANG BIBIG NILA. 👍😍😂😘
nako moms pogi pa nga si baby mo e yung baby ko nung unang months nya super itim talaga lagi din ako nakakarinig nag ganyan tapus pango kasi sya, ang ginagawa ko kaysa ma stress ako sa mga pang lalait nila pinag tatawanan ko na lang tas sasabayan ko na lang din nag simpleng pang lalait sakanila para bawe lang diba, wag ka ma stressed moms..
Mamsh di kelangan maging bastos pag pinatulan mo sila. Tell them nicely na hindi mo gusto yung sinasabi nila. They should be sensitive about it magulo pa ang hormones ng bagong panganak. Kung sakin mangyare yan mamg aaway talaga ako pero since magkaiba tayo, tell them nicely nalang ☺️ cute cute po ni baby ❤️