Ganyan din ako. My eldest is 11 years old ng nasundan siya. Ilang taon kami nag intay ng asawa ko. Minsan nga umiiyak ako pag nagkakameron ako or kinakabahan na pag delayed pero wala pa din. Sabi ng hubby ko wag ako malungkot kasi kung bibiyayaan kami ulit ay magpasalamat kung hindi naman ay magpasalamat pa din kasi may 1 na naman kami anak. Sa tinagal tagal ng panahon, sinabi ko na sa sarili ko tanggap ko na kung hindi na ako mabibigyan ulit ng anak pero to my surprise last year sobrang saya ko kasi hindi ko akalain na buntis na ako. Kasi nga okay na ako sa unica hija namin. Worth it ang pag iintay kasi may baby boy na ako. Nangyari siya in God's Perfect timing. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon. Continue to pray lang sa Kanya.
Pray lang sis. Mabait si Lord, ibibigay nya if it's the right time. 10 years ako nagantay na mabuntis. Hindi ko inexpect na mabubuntis ako this time. Tinanggap ko na noo pa na baka hindi ako destined magka anak. Pero now, dininig ni Lord yung wish ko. Just trust in him sis.
Same. Naiiyak ka nalang pag negative 😭🙏
Sis pray harder. Ganyan din ako as in nasa point na ako na sumuko. Sabi ko hindi na siguro talaga ako magkakaanak. 12 years kami hindi protected naisip ko sa 12 years na yun hnd man lang ako nabuntis so baka ako or siya may problema. 4 months after nf wedding namin binigay ni Lord yung pinaka hihiling namin. Pray lang ng pray at wag ka susuko ibibigay din ni Lord yan.
Same sis hays, meron nga noon nadelay ako tas pinabili ko Si hubby ng Pt excited pa naman kami tas nag Negative pag dating ng hapon niregla nako 😢 nakakapang-hina .
Same here sis..minsan nkaka depressed na..bigla nlng iiyak kc mrrmdman mo na my kulang sa buhay nio mag asawa