SOBRANG LIIT

Sobrang liit ba ng baby ko, 2209g lang sya at 35 weeks na ako. ?

59 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Nyek mas okay nga yan maliit habang nasa tyan at pwede naman sa labas palakihin. Ayaw ng mga OB un malalaki masyado dahil mahirap ilabas at baka maging delikado pa for both mother and child. Tamang timbang lang 2kg-3kg

Ok lang yan sis. As long as sinabi ng OB mo na healthy si baby, no need to worry. Mas ok nga daw ang maliit na baby para madali ang panganganak. Madali lang naman daw kasi magpalaki ng bata pag nakalabas na. 😊

Konting tyaga lng po mamsh para umabot sa normal weight khit 2.5 lng, more chances of being in normal delivery nman kpag gnyan lng papalakihin lng paglumabas na :) ako nga eh 2.4 ngaun 4.4 na sya 1 month na :)

Sis mas ok na maliit si baby habang nasa loob ng tyan mo, kesa malaki kase mahihirapan ka ilabas yun so malaki chance mag CS ka if ganun. And don't worry madaling patabain ang baby pag na ilabas mo na

5y trước

Yes sis, yung akin hindi ko masyado pinalaki si baby sa tummy ko, ayun na Dalian ako sa panganganak. Mga 6 pushes lang lumabas na agad sya. And 1hr lang ako nag labor. And first time mom din ako hwha

sakto lang yan momsh hahaha ganyan din kalaki baby ko 2.2kg sya at normal lang daw ang laki sabe ng OB ko pero pinaghihinay na ako sa matamis masi baka lalo lumaki si baby 🤣 34weeks na ako ☺️

Thành viên VIP

Mas okay nga po yun para mabilis ka po manganak mabilis lang naman po palakihin ang baby paglabas, baby boy ko nga from 2.6 lang paglabas pagdating ng 1 and half month naging 5.3 na siya agad.

OK lang yan sizt. Ako nga 2kls. Lang si baby ko 37 weeks ako nanganak now he's 10 months at OK nman ang development Niya tiyaka mabigat na din siya 8.9 kls na siya last na pakilo sa kanya.

Hindi naman sobrang liit.. Wag ka ma stress momsh.. Pag labas nya saka mo nalang sya patabain.. Importante naman malikot sya s tyan ibig savhin nun healthy pa rin sya khit maliit..

Ok lang yan momsh sakin nga 2.7 kl lng ng pinanganak ko si baby noon may 21 sabi nga nila mas ok na maliit lng para di mahirapan manganak palakihin muna lng pag nailabas muna...

Me din, at 35 weeks, 2.3 lng c baby pero di nmn nagworry c ob, and ako din kc alam ko ilang weeks p before ako manganak. Kya ngayon, 40weeks n d p nalabas c baby 2.7 n sya.