42 Các câu trả lời

Totoo po Yan mamsh. isang beses lang akong hindi makapag hugas may maririnig kana. samantalang sabado yun and walang pasok yung bunsong kapatid ng jowa ko. sya naman talaga yung pinag huhugas nung byenan ko. kasi naliligo ako that time and mag papalabaratory ako nun. nung inabutan ng byenan ko na Hindi pa nahuhugasan yung plato nag bunganga na keso basagin nalang daw nya para daw wala kaming pag kainan and nag dahilan yung kapatid ng jowa ko na keso binabantayan daw nya yung bata dito na pamangkin ng tatay nila. pero Yung totoo nag cellphone lang. halos lahat ng mga nangyayare dito diko nalang sinasabe sa jowa ko. Kasi ayaw nya na may naririnig pasya pag hindi sya nabigyan ng jowa ko ng pera pag bale or sahod puro mura na aabutin ng jowa ko. naawa nalang ako sa kanya kasi halos wala nang matira samin minsan 200 to 100 nalang natitira kasi nag bibigay pasya sa tatay nya. And sa mga utang kaya pag nakaraos kami mag bubukod na talaga kami. nakakailang din kumilos dito pag may isang bagay ka na Hindi na gawa puro mali nalang nakikita. Halos ako na Yung gumagawa sa bahay nato.

Ngayon kolang nalabas Yan. Wala akong napag sasabihan ng problema ko😥 ang hirap ng malayo ako sa mama ko. mama ko lang yung kakampi ko sa lahat😪😭

ganyan din kmi dati, altho bukod nman kmi pero mama nya nagbabantay samin ni baby noon na newborn pa lng.. kung makapag salita wagas ehh.. kesyo isa lng nman daw akong malandi na nag asawa at nag anak na di nman marunong ng gagawin ng ina.. sabi ko nman, "may first time bang marunong? kaya ka nga nandyan ehh para turuan ako" tapos sabi nya sakin, "wala nman akong sswelduhin kung mag aalaga lng ako sa inyong dalawa.. maghahanap buhay nlang ako.. dyan kna, alagaan mo anak mo dhil sayo yan di sakin" 😤😤 ..tapos pinabayaan nya ko na bagong panganak at medyo lamog pa at si baby na newborn... tas yun, nasanay nlang ako, tas dko na kailangan kasi kaya ko na.. 😛😛😛

VIP Member

True. Try nyo po bumukod kahit maliit lang. Mas okay na po yun. Pag po kasi nakitira ka sa biyenan mo, di talaga maiiwasan yung may masasabi't masasabi sila sayo. Nanay ka. Hindi ka po katulong. Sapat na yung nagagawa mo naman yung part mo jan kahit di ka sabihan. The rest, tulungan na po dapat kung sino man yung nakikinabang din naman sa bahay.

Oo ang hirap pa kumilos, bumukod kayo mas maganda. Ang asawa ko bumukod agad kami para daw makakilos ako ng maayos, nag rent kami. Pero ngayon ginagawa kase bahay namin kaya nandun kami sa bahay ng magulang nia wala naman nakatira kami lang ng asawa ko kaya lang di ko magawa gusto ko haha, baka next month matirahan nanamin bahay namin.

for me po dapat tlga kilalanin muna lahat sa side ng boyfriend, minsan kasi nagiging problem tlga un dapat tignan muna kung ano sila sa bahay syempre ganun din ang personality na mag reflect kay bf. u need to reach out, be nice and ipakita tlga na willing mo sila accpet and in return they will do the same.

VIP Member

Hays hirap tlga. Ako hnd rin malaya yung tipong lahat ng gagawin mo sa anak mo may masasabi. tapos kpag may prob sa baby ikaw sisihin na kesyo hndi marunong. Naisip ba nya na first time mom ako and wla kong experience so sympre unti unti ko palang natutunan yng mga dapat malaman sa anak ko.

VIP Member

mahirap talaga yan..kaya sabi ko dati sa FBF ko at now hubby ko na ,ayaw ko makitira kasama ang magiging byanan namin kasi parang hindi ako free sa lahat ..iba talaga ang kayong dalawa lng magagawa nyo lahat ng gusto nyo..bumukod nlng po kayo momsh..

Pabayaan mo nalang sila. Ako nga eh pakialam ko dyan sa inyo. Basta senyorita ako dito. Sabihin niyo gusto niyo sabihin, tahimik lang ako. Umasta kna lang na wala kang pake sa kanila. Ipakita mo kase na ikaw ang boss.

Bumukod na lang po kayo. Ganan po talaga pag nakikitira lang kayo. Wala ka naman magawa kasi kayo na nga lang yung nakikisulok. Kaya mas better po kung bumukod na lang kayo para hindi ka ma-stress

Totoo yan. May masasabi at masasabi sila sayo kahit gaano ka pa kagaling makisama. Kaya importante po talaga ang pagbubukod once na nag asawa na.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan