Sobrang hirap maglabor, di maipaliwanag na sakit. Pero mas masakit pala kapag hindi lumabas ung inunan(placenta) dinudukot sa loob ng pempem😫😫😫na parang bastaaa tapos sobrang sakit na wala kang magawa, sabi ko tama na sobrang sakit, pero di sila pwede tumigil kasi mamatay ka😭 nakakaiyak na sakit kahit tinurukan ka ng pampakalma pero mas malakas ung sakit ng pagdukot ng inunan sa loob😫😭, 1hr nilang ginawa sayo un halos maubusan kana ng dugo. After procedure pinagpahinga lang ako at kailangan ko na daw idischarge dahil from lying daw ako at kailangan ko bumalik sa lying in galing diba.. at walang stretcher sa wheelchair ako pinaupo para pumunta sa sasakyan, pagupo ko sa wheelchair ayun hinimatay ako 50/60 na bp mga 5mins daw akong walang malay. Pero naalala ko lang nun nakatulog ako, at ang sarap ng pahinga, Awa ng diyos nagising ako, nakita ko mukha ng pag aalala ng asawa ko, naisip ko paano kung di ako nagising😭😭 thank you lord at buhay pa ako, hindi ko na binalikan ung mga midwife para tanungin mga error kung ano at bakit at anong dahilan ng di paglabas ng inunan, pinagpa sa diyos ko nalang sila, ang mahalaga buhay ako at kapiling ko pa ang pamilya ko. #theasianparentph #placentaretain