My Baby is here!

Sobrang hirap. Eto na ata pinakamahirap at pinakamasakit na napagdaanan ko. But still, it's all worth the pain nung nakita ko na si baby. First time mom here. Almost 3 days ako nag labor. Due date ko Nov 22, nung gabi ako nagstart maglabor hanggang kinabukasan. Nov. 24 still in pain with sudden contraction siguro every 5mins. Tapos bumigla syang sumakit ng grabe ng bandang 11am. Dun nila ko dinala sa lying in malapit samin. 4cm na daw kaya di na ko pinauwi kase baka mga 5-6pm daw manganak na ko. But then di parin ako nanganak, still in labor pains na sobrang sakit, nafifeel ko ng malapit na ko manganak. Nov. 25, pumutok panubigan ko ng 11:45am so expected kasunod na non si baby. Dinextrose ako since mahina pain tolerance ko. Delivery room, nagstart na ko umire ng umire at nakaabang lang mga midwife pero di parin lumabas si baby. 2pm di parin ako nanganganak till i decided na magpadala na sa ospital kase sobrang sakit na at mauubusan na ko ng lakas. Dinala ako sa city hospital which is parang lying in din pala ang paanakan. Still in too much labor pain contractions na halos iniire ko na everytime sumasakit. 3pm dinala na ko sa delivery room then i start pushing again. Ire kung ire at abangers ulit yung isang nurse at midwife. Di parin lumalabas si baby till 6pm na wala parin so they decided to refer and transfer me to another hospital kase baka magdry labor na daw ako at baka ma cs. So inambulansya nila ko to another public hospital na mas malaki at mas madaming doktor. Via emergency napadali panganganak ko. Pinagtulungan nila kong palabasin si baby. Isang doktor ang nagpupush sa tyan ko at isa ang naghihiwa ng pwerta ko at yung ibang nurse nakaabang. 8cm pa lang daw ako nun pero kelangan ko na ilabas si baby at thanks God, baby out at 7:10pm via normal delivery. Para kong nabunutan ng tinik. Kahit sobrang hirap nairaos ko na din ng normal. Iba yung feeling, sobrang life changing talaga. Parang isa ring achievement yung makayanan ko lahat ng sakit. So meet our little bundle of joy, ZEB IAN NICOLAS 3.24kg via normal delivery EDD: Nov. 22 DOB: Nov. 25

61 Các câu trả lời

Congrats po. EDD ko December 2, 2019 pero wala pa din ako nararamdaman na contraction or sign na naglalabor na ako.

Bukas po ako magtanong po ako kasi wala po ako contact number ng OB sa oublic hospital po ako nagpapa check up. Sana po pwede kung wala po talaga

RA Luch thanks po sa advice at tip. Ginawa ko na po un at continue ko po gagawin hanggang lumabas po si baby 😊

Mommy saan nio po nbili Yung higaan Ni baby anyways congrats po welcome to the outside world baby

Grabe nga hirap ng pinagdaanan mong labor sis! Congrats and you did a great job! 👌

VIP Member

Congrats Mamsh!! Welcome to mommahood. 💛 💕

Congrats sis. God Bless sa inyo ni baby.♥️

VIP Member

Ang cute. Lapit na rin ako. Sana makaraos na. 😊

SALAMAT PO 😇

Congrats sau momsh at Kay baby ang cute nya po💗

VIP Member

Hi babyyyyy Congrats mommy 💖

Congrats buti kapa nakaraos na hehe

Lakasan lang po talaga ng loob. Goodluck momsh, makakaraos ka rin

Câu hỏi phổ biến