same tayo 'my, sobrang na-sstress ako everytime na magbleed and spot (spot lang pero grabe ang kaba) kahit sabihin nila na wag ako magpaka-stress. Lagi akong napapaisip kung may heartbeat pa ba si baby sa tummy ko. Ang laki ng gastos sa ultrasound pa lang at pampakapit na ite-take. napapaiyak ako kapag may day na mag-skip si baby sa pag-galaw. first baby ko kasi to and 26yrsold na ako.
Nag-overdue pa ko dahil gusto kong inormal. October 31 pumutok yung panubigan ko and tinakbo na kong Calumpit district kasi hindi na pwede sa malolos, kaso walang sign na lalabas na si baby, walang hilab. Decided na ipa-cs na ko kasi possible na matuyuan ng tubig si baby. Unfortunately, hindi sila basta basta nagccs ng hindi nag-tatry inormal. Kaya inilipat pa ko ng Pampanga Premier para duon i-cs. 😞Yung kaba ng hubby at pamilya ko grabe. Tapos ako chill lang kasi wala akong nararamdamang masakit at sumisipa pa si baby. Ayaw ko mataranta kasi feeling ko lalabas yung tubig ni baby kapag tumawa at magsasalita ako, kaya tango at iling lang ang ginagawa ko. Awa ng Diyos, lumabas ng Nov.1 12:43 si Zeus, via CS. Safe po and now going 4months na. ☺
Normie Soriano