169 Các câu trả lời
Hi sis. Kakanak ko lng nung sept 17.. then nung sept 18 nadiacharge na kmi.ok nmn si baby at yung color nya. Tapos Sept 19 nung nsa bhay na kmi iyak ng iyak si baby..nagyellow na at nilagnat na umabot ng 38.5 temp nya kYa sinugod nmin ospital. Iyak ako ng iyak nun. Awang awa ako sa anak ko..first time mom ako e. Then automatic confine si baby kasi 3 days old pa lng. Nung tinurukan na sya sa paa at nilagyan na sya ng swero halos umtungal na ako sa iyak kasi ramdam ko sakit ng anak ko.. sabi ng pedia nYa.. sepsis daw! Salamt sa Diyos at Negative ang blood cultured ata yun na gnwa sa knya. No infection. Nilagyan sya ng prang ilaw to check kung magbabago color nya. Thanks God nagbago nmn..malki daw improvement. 2Days lng naconfine si lo.pero continue ang antibiotic nya for 4days. Dasal ka lng momy kay God. Yun gnawa namin. Hnd nYa pababayaan mga anak natin. Kahapon lng ntapos antibiotic nya. Thanks god. Makakyanan dn yan ng anak mo mommy. Pray ka lng. Pray lng tayo!🙏😇
Sis payo lang wag na wag nyo iiwan o ipag kakatiwala si baby sa mga doctor o nurse .o wag kayo papayag na pakuhaan ng kung ano ano para itest . Pag kuha lang ng kunting blood para itest . Wala ng iba tapos antibiotic lang ang gamot nyan ni baby na naka swero . Kapit bahy namin nornal nilabas may sepsis lang tapos sinabihan sila na kukuhaan ng tubig sa gulugod pumayag sila ang ngyari sa bata ngaun hindi na normal hindi as in parang naging lumpo at abnormal na ang panlabas na kaanyoan. Tapos yung pamangkin ko ganyan din naging sakit pag labas palang yun din sinabi samin hindi kami pumayag dahil sa ganung ngyri sa kapit bahy namin. May mga nurse pa na ipipilit nila gusto nila ehh puro naman baguhan na nurse. Kaya sis isure nyo na walang kukuhaing iba sa baby. Blood test lang yan sa daliri ng paa kinukuha yun. And pray lang din po. Ha ang cute pa naman ng baby ang taba taba. Sana gumaling na sya.
My nephew was born with a neonatal sepsis kasi matagal siya naka labas sa tummy ng mommy nya. Nakakain na siya ng dumi. At Hindi Marunong yung midwife instead na turukan ng gamot pinauwi nya after giving birth. Ayun nilagnat na si baby . Then na pag alaman namin na nagka sepsis nga si baby. Dinala namin siya sa Quezon City children hospital. 15days siya don. Iba ibang gamot tinuturok sa knya. Kinuhanan pa siya ng tubig sa baga. Nakakaawa but so far after all the procedures and antibiotics gumaling na siya. No side effects now 1 and half months na siya very healthy.
Since marami ako nabasa nagtatanong anu ang sepsis at saan nakuha: Ang sepsis po ay infection sa dugo. Ibig sabihin po meron natransfer sa dugo ni baby na bacteria, virus o kaya fungus. Nakukuha po ito kadalasan sa nanay. Halimbawa may infection si nanay na hindi nagamot tulad ng UTI. Kadalasan nakakakuha neto ang mga premature o kaya yung matagal ng pumutok ang panubigan bago nailabas si baby. Paano maiiwasan? Magpacheck up po lagi habang buntis at magpatest ng dugo at ihi. Inumin ang gamot na irereseta ng duktor. At kung pumutok na ang panubigan, pumunta agad sa paanakan.
P.S. ang sepsis po hindi lang pagkadeliver ni baby pwede mangyari. Kahit naiuwi na sa bahay pwede magkaroon dahil mahina pa ang immune system ni baby lalo na sa unang buwan nito. Kaya po need ng proper handwashing kapag hinahawakan si baby, huwag hahalikan muna, at huwag iexpose sa madaming tao si baby kung saan pwede siya makasagap ng sakit.
yung OB ko, walang ginawang test sakin..tiwala naman ako sa kanya kasi monthly kami nagpapacheck up at ultrasound. nagbibigay ako result ng ultrasound sa kanya after nun wala na kakamustahin lang saglit wala na.. then ayun nga naCS ako 3.8 yung bata di ako sinabihan na magdiet. during my operation narinig ko na may nalaglag na gamit sa operation . after 2 weeks nagkaSEPSIS ang baby ko nakakaawa ang dami nyang tusok.
Pray lang po. Nung ipinanganak ko po ang baby ko, meron din po syang sepsis. Nagkaroon po kasi ako ng uti when I was pregnant. Na-Confine sya sa NICU. May iniinject sa kanya na antibiotics. At awa ng Diyos po 5 months na si baby and healthy naman sya. Hindi sya sakitin. Pray lang po. Makakaya din ng baby mo yan. Be positive lang.
Ganyan din ung baby ko sept 4 ako nanganak tapos my sepsis daw ung anak ko kaya naiwan pa sya 7days sya nun sa hospital thanks GOD negative naman ung result ung culture ng bacteria nya, ngayon 24days na sya ang lakas nya mag dede para sya hindi ngkasakit.pray lang momshie
My baby had sepsis too. And naiwan sa hosp.s Sobrang depressing. Kase akala ko lahat nanganganak nauuwi babies nila. Cs pako non so di ko sya nadadalaw. But mommy isipin mo nalang its the best for your baby. 1 week kase ang antibiotics. After non pwede na sya iuwi 😍
Pwede pong nakuha ung infection sa mommy.
Aww baby get well soon! Di ka pababayaan ni Lord little angel.. God will bless the nurses and doctors around you para pagalingin ka baby.. I pray for healing kay baby and strength for you mommy. Wait ka lang maiuuwi mo din baby mo 😊 God bless momsh!
Ganyan din baby ko 1day old plang sya nilalagnat at iyak ng iyak yun pla may sepsis 1week kaming naggamutan pero ok na sya.. gagaling din baby mo sis magpray ka lang..bukas 5months na baby ko..mabuti naman at naagapan.
Noemi Barlis